Mar 28, 2007 16:43
After shock
March 27…sa loob ng 4 na taon ni hindi ko man lang pinaghandaan ng mabuti ang araw na to.
4 na taon na nga pala no? ang bilis. Ni hindi ko man lang namalayan. Kahapon pa nga late ako e.
nakalimutan ko kasing gragraduate ako.
Seryoso pa ako nun, At naghahanap pa ako ng most punctual award.
Ung mga pics natin, pinadevelop ko, tapos nilagyan ko ng dedication sa likod. Gusto ko kasi,
Makita nyo ang sarili nyo, pra hindi nyo makalimutan kung ano kayo, kung sino ba kayo noong buhay hayskul…
Katulad ng palagi kong ginagawa, sinubukan kong itago ang nararamdaman ko, ayoko umiyak, huli na kasi.
I wouldn’t want to end this bitterly.
Sa loob ng maraming taon, naging masaya ako, kahit na marami akong pinagsisisihan.
Di ko alam - basta. Siguro kasi kahit sa saglit na panahon, naging maligaya ako.
SALAMAT- at naging bahagi kayo, ikaw, ng isang chapter dito sa buhay ko.
Tama, di na tayo katulad ng dati,kay bilis ng sandali.
May mga bagay na nagbago para sa ikabubuti ng lahat, at meron namang iba, na nagbago pra
magsilbing lesson, na sa susunod, matututo tayong…ano nga ba? Maging totoo sa lahat ng bagay bagay,
na huwag matakot, maging matiyaga, patuloy na maniwala at kung ano ano pa.
Palagay na ung loob ko ngayon kasi naayos ko ung mga backlogs ko bago ako umalis sa skul:
nakapagpasalamat ako sa mga taong nagbigay ng suporta sakin, sa mga taong laging nandyan,
nakahingi rin ako ng patawad sa mga taong nasaktan ko dahil sa mga kahinaan at katarantaduhan ko
at higit sa lahat, sa loob ng 4 na taon, nakapagpatawad. kahit sa last minute, naging expressive ako,
pinakita ko ung totoo kong nararamdaman, un ung bagay na pinakatatakot takot kong gawin.
Kahit alam kong huli na ang lahat…at least, kahit dun mismo sa araw na un, gradation day, si tin2x,
naging tao, nagpakatao…
Sana di kayo magbago, oo. Kahit anung mangyari. Sa na ikaw parin ung nakilala ko noon.
Sa lahat ng naging bahagi ng buhay ko sa CSP salamat!
Good luck and happy journey!!
-tin2x ~o_O~