What I've learned in 2008

Dec 26, 2008 02:02

What I've learned in 2008

WORK:
-mag-edit ng 30s in thirty minutes, 15s in fifteen minutes, at magbreaktime habang naghihintay ng assembly/preview HAHA!
-gamitin ang camera effect ng After Effects (partial pa lang ito)
-natuto akong mag-Quantel
-NATUTO AKONG MAGBUTAS NG CHROMA SA QUANTEL!!!!!! WOOOOHOOOHOOOOO!!!!!
-more and more time management. time management. time management. importante ang time management kesi! *cartwheelz*

DRIVING:
-nakakaovertake na ako sa mga Michael Schumacher bus drivers pag madaling araw
-umootsenta na ako ng takbo sa East Ave, again, PAG MADALING ARAW
-nakakapagpark na ako ng matino SA ANNEX. hindi na pulis parking ito, pero hindi pa rin ako marunong mag-parallel parking. :(
-speaking of parking, nakakapark na rin ako na nakatalikod sa dingding. yuck parang ang significant e

MONEY:
-wala pa ring pagbabago, sabi ng nanay ko. BARAT PA RIN AKO!!!

BEAUTY:
-huwag kakalkalin ang hangnail para hindi mamaga at mainfect ang sugat; at--
-HUWAG MAGPAPAMANI/PEDICURE NG MAY SUGAT!!!
-huwag ipagupit ang cuticle para hindi magbalat; huwag ipagupit ang gilid ng kuko para hindi mag-brittle
-laging magsuklay! REPEAT! LAGING MAG-SUKLAY!!!!

HEALTH:
-allergic pala ako sa itlog :|

SHOPPING:
-asa ka pa sa P200 na magandang wallet at P150 na wedges. in two months time mawawarat din naman pala! huhu ;c

HOBBY:
-kapag nagload ng 35mm na film sa Holga, alalahanin na may parallax error.
-kapag 35mm ulit, gumawa ng imaginary letter box habang nagfeframe. hindi kasi 120 ang film, haller.
-kung ayaw mong depokado ang kuha, ang minimum distance mo sa subject mo eh 3ft. hindi ka na natuto tsk tsk.
-HUWAG MAG-UNLOAD NG 35MM SA MALIWANAG, ENGOT! TANGA! HAHAHAHA!!!

RELATIONSHIP:
-hindi totoo na hindi normal para sa magjowa ang hindi nag-aaway. mayroong mga bagay na dapat pag-awayan at mga bagay na aksaya lang sa panahon, laway at luha para pag-awayan. yuck ano bang kaemohan na ito.

Previous post Next post
Up