Noong nag-aaral pa ako, lagi akong hinahatid sa GMA-Kamuning Station. At dahil tanaw sa aking kwarto ang mataas ng gusali ng GMA, lagi lagi na lang nilang sinasabi na sana sa GMA ako makapagtrabaho para hindi ko na maranasan ang nakakapikong haba ng pila at siksikan ng tao sa MRT. Walang mintis yan, tuwing dadaan kami sa Timog para magsimba o maparaan lang ang nanay at tatay ko sa kuwarto. Sana sa GMA ka makapagtrabaho pagkagraduate mo.
Pero sabi ko, ayoko. Walang challenge. Walang traffic at wala akong maaaway na tao papunta sa trabaho. At haller, Kapamilya ata ako noh.
Nagbago ang lahat nang patapos na ako ng kolehiyo. Kailangan nang maghanap ng trabaho para man lang makabawi sa milyun-milyong nagastos ng aking mga magulang sa pag-aaral ko sa tinaguriang Pamantasang De Vl Salle. Thesis pa lang namin kasi, pwede nang makabili ng second hand na sasakyan. Kaya pasa dito, pasa doon ng resume. Kebs na lang kung saan tawagin.
Ilang kumpanya rin ang tumawag sa akin at nag-alok ng trabaho. Sales Executive, Executive Assistant, Researcher, habang ako ay isang All-around Yayang pro bono sa dalawa kong pamangkin. Sa kagagahan ko at sa sobrang desperasyon kong kumita, pinatulan ko ang interview sa isang call center. Wala lang, para makalabas lang ng bahay.
Minani ko ang exam: Math, Grammar, Vocabulary, Logic (akalain mo yun), Speed Typing at pagtimpla ng kape. Pagkatapos noon ay kinausap ako ng nag-interview sa akin na overqualified raw ako sa trabahong inaapplyan ko dahil naperfect ko ang exam at baka mabore raw ako sa pagsagot sa mga tawag (Sa isip-isip ko, ang boring ng exam nyo! Kahit pamangking kong four years old noon kayang sagutin yung mga tanong nyo noh!). Kaya inalok na lang nya ako ng trabaho sa admin at tatawagan na lang nya ako para makapagschedule ulit ng interview.
Sige, asa.
Paglabas ko ng opisinang iyon, nagmessage alert ang cellphone ko. Aba.
"Good day, this is Vince Gealogo frm GMA Post...."
Nagpanic mode ako bigla. Holy shet, GMA! Bigla kong nalimutan na ayoko magtrabaho sa GMA. Basta hindi ko na matandaan yung buong text sa akin, basta nireplyan ko lang ang mensaheng ito na oo, pupunta ako sa interview. Pero kailan at saan?
Walang reply.
Thirty minutes, wala pa ring reply.
Isang oras, wala pa rin.
Tinawagan ko na ang nagpadala ng mensahe pero hindi sumasagot. Kinulit ko na nang kinulit pero wala pa ring sagot. Binubulong sa akin ng konsensya ko, "Akala ko ba ayaw mo magtrabaho sa GMA, bakit mo pa kinukulit yang nagtext sa iyo?"
Biglang sumagot ang nasa kabilang linya.
"Hello?"
"Hello? Ah, e, Vince?"
"Yes?"
"Uh, hi, I would like to confirm my schedule for an interview...?"
(Sa sarili: Tangina, mali pa ata ang grammar ko! Strike one! Bang!)
Busy ata ang tinawagan kong taga-GMA kaya sabi nya ata itetext na lang nya ulit ako tungkol sa schedule. Ilang beses ring hindi natuloy ang mga schedule dahil may mga schedule raw ang mag-iinterview sa akin. Hanggang sa natuloy na rin ito, pero wala ang dapat na mag-iinterview sa akin.
Si Ate Carla ang nag-interview sa akin pansamantala. Inischedule namin ang training na akala ko umpisa na ng trabaho.
Sa training, natuto akong gumamit ng Final Cut na pinakaiiwasan namin noong POSPROD. Chicken lang pala, sana nag FCP na lang kami nung thesis, kainis! Nakagawa ako ng isang kunwaring plug ng Glass Shoes at Balikbayan, at tcard ng Sis. Dito ko rin nakilala ang co-trainee na si M(h)edz (na tatawaging Medzipiesiomai o MPS) at ang boss nilang si Sir Vince.
Pucha, boss pala yung kausap ko the whole time tapos first name basis lang kami? Gusto kong magpalapa sa lupa sa sobrang kahihiyan noong malaman ko ito.
Tatlong buwan ang paghihintay para sa resulta kung tanggap ba ako o hindi; actually, kami pala ni M(h)edz ang magkatext araw-araw kung may tumawag na ba o wala. Nagpainterview rin ako sa ABS noong mga panahong iyon pero hindi ko nagustuhan yung pamamalakad nila sa opisina at pakikitungo nila sa empleyado, malayong-malayo sa nakita ko habang nagtetraining sa GMA (no offense meant). Hanggang sa nagtext na si Kuya Neil (na sa kalaunan ay tatawaging Bosseeng) na may final interview na nga kami kay Sir Vince.
Yahoo!
Relax lang ang interview, dahil siguro alam kong magiging masaya ako pagkatapos nito. Akala pa ata ni Sir Paul na nagbasa ako ng website dahil sa sagot ko kung bakit gusto kong magtrabaho sa GMA. Sa totoo lang, iyon talaga ang nakita ko sa dalawang linggong training ko: may pagpapahalaga sa trabaho at tao ang mga makakasama ko kaya gusto kong kainin ang mga sinabi kong ayoko magtrabaho sa GMA.
Ayun na nga, kinain ko na ng tuluyan ang sinabi ko. At sobrang saya ko.
Isang taon at sandamukal na scripts na ang nakakalipas. Mas natuto akong mangarir ng plugs at marunong na rin ako mag-Quantel. Nag-away-bati na rin kami ni Medzipiesiomai at nangmanyak ng mga gwapo sa opisina. Hindi na ako nangangatog kapag mag kliyenteng magpipreview at pag thirty minutes na lang ang nakakalipas bago magbreak ang plug ko, kahit tatlo sa beinteng clips pa lang ang nalalog ko. Nakapagsubmit rin ako ng tatlong plugs of the month at isang incident report. At mas proud pa ako ngayon na Kapuso dahil memorize ko na ang Kapuso Theme. What milestones, diba?
O isa pa: Happy birthday to me!