May 17, 2007 17:00
i have clear lungs! 20 mins ako nasa cr kasi finifigure out ko kung paano suotin yung gown na butas sa likod para hindi makikita tato ko. tas ang ginawa ko tinuck-in ko na lang. tas yung nurse gusto niya ayusin kasi ang sagwa ata ng ginawa ko tas yung mukha ko sobrang umasim na nakakatawa siguro kasi napatigil siya tas tumingin siya bigla kay mama tapos binulong niya sa akin, "hindi pa niya alam..". tas ngumingiti na lang ako mag-isa kasi nagmuka akong freshman ule na first time mag manual registration sa diliman, di alam gagawin eh tatayo lang naman ako sa xray machine. tas nung inayos niya yung gown, with the correct tying of strings, di naman pala makikita yung likod. ang bobo lang. pero ayun. i have clear lungs hehe. pero nakalimutan ko na may hikaw pa pala ako sa pusod haha tangina nakakahiya na ah, bagets na bagets. dati feeling ko pa lakas ng dating eh. kadire. ayun di ko natanggal tas di ata lumitaw sa xray? tingnan ko mamaya. wala kasing nakasulat sa results na meron akong curious looking metallic object protruding from a very smooth and well-formed abdomen, which also happens to have all the right cuts yet still has the undeniable tenderness of a woman's skin. hahahahahaha feeling tangina.
tha slacker lifestyle