(no subject)

Feb 27, 2007 13:15

nakita ko si owel sa up manila tapos eto mga napagusapan namin:
1. ang weird na magkita kami sa labas ng quezon city sphere
2. ang weird na magkita kami sa labas ng quezon city sphere na hindi bar
3. ang weird na magkita kami sa labas ng quezon city sphere na hindi bar at hindi gabi

pero ito yung gusto ko talaga i-share eh:
4. habang hinihintay ko turn ko sa interview, may 2 boyz na naguusap, for interview din pero para sa intarmed.
5. syempre highschool pa lang diba.
6. syempre matalino din sila kasi qualified sila sa intarmed.
7. tapos kinocomfort nung mas maliit na mas cute na boy yung mas mas malaki na mas oily-faced boy na relax lang, wag kabahan sa interview.
8. tapos sabi ng mas malaki na oily-faced boy di raw siya kinakabahan kasi parang speech lang naman yun, sa mga intrams siya kinakabahan, pag maglalaro na.
9. tapos di ko talaga mapigilan ngumiti mag-isa.
10. kasi ang nerdox talaga ng dating hahahaha nerdox. pero di ko sinabi ito kay owel.
11. tapos ang tagal ng turn nila sa interview tapos nagkaroon sila ng animated conversation tungkol sa chem unknown analysis pati sa physics debate sa school nila
12. sabi nung oily-faced boy "pinakabaduy talaga na anion yung chlorine ion"
13. sabi nung maliit na cute na boy "yumuko na nga lang ako sa debate niya kasi ang dami niyang sweeping statements". di ko na nasabi to kay owel.

eto mga wala lang, gusto ko rin i-share pero di ganun ka-importante.
14. tapos gusto ko talaga makinig lang sa kanila. mga adventures ng highschool life. nakalimutan ko iinterviewhin pala ako. pero ayos lang kasi di naman ako kinakabahan masyado. lucky enough na ako just to qualify for interview. sagwa ng sentence construction amputa.

15. nakahanap pala ako ng proof na may alter ego ako ng hiphopsquatter na madalas nakikita sa mga mall kasi may gang pala ako.

16. nakahanap din ako ng isa pang proof pero hindi ko pa alam kung ano yung ipro-prove niya
Previous post Next post
Up