Jan 29, 2009 00:46
Nag-away nanaman kami ni J. Parang bawat linggo nalang. Ngunit sa huli ay nagkakabalikan naman kami, at kasayahan at pagmamahal ang bumabalik. Ngunit bakit ganito?
Ay ewan. Pag nasa maligaya akong kalagayan, iniisip ko na kahit ano kailangang gawin, sana magkasama pa rin kami. Ngunit minsan kapag ako'y nasasaktan o napupundi...hindi ko alam. At iyan mismo ay masakit. Tila minsa'y sayang ang panahon at trabaho at pagnasa, ngunit sa aking tunay na kalooban, alam ko hindi ito totoo.
Ay ewan. Basta; titingan ko nalang sa susunod ng pagsikat ng araw.