Jul 08, 2008 09:48
Sige na nga.
Minsan, minsan, na-mimiss ko magsulat, magsalita sa wikang Filipino. Kahit Tagalog, o Ilonggo, basta Pinoy. Wala lang: mas nararamdaman kapag ako'y wala sa bansa kung saan ko siya magamit at maiintindihan ako, at nararamdaman din sa pagkakataon na ibig kong mai-share sa aking giliw, kahit hindi niya maintindihan; wala lang: siguro ganyan talaga.
Sinasabi nilang may komunidad dito ng mga ibang kapwa-Pilipino, pero hindi ko pa sila natagpuan. Sana balang araw...
Ngunit gusto kong manatili dito sa dayuhang bansa, dayuhang lugar. Ang sweldo ng aking trabaho ay 'di sapat, ngunit sana raraos din ako sa ganitong sitwasyon, at maipakita ko rin sa aking mga magulang na maaari na akong mamuhay na 'di nakasandal o gumagamit ng kanilang credit card, at pera.
Aminado akong may malaking kinalaman dito ang aking nobio, ngunit paano ang ganitong pakiramdam na tilang ibing mong kilalanin siya at masamahan siya habambuhay? Para sa akin, na kami'y natututo sabay-sabay ay masaya at nakakapagbigay-ligaya: na siya rin ay matalino ay mas nakakapagbigay-halaga sa aming relasyon. Kaya dapat magawan ko ng paraan manatili dito. Sana hindi masasayang lamang ang aking mga pagpursigi: sana may mga naramramdaman din siyang pagmamahal sa akin. Dahi oo, mahal ko siya. Sana mahal rin niya ako, sana matutuloy ito sa....hinaharap, sana sana. May posibilidad naman sa lahat, diba?
Ibig kong manatili pa rito. Aminado ko na minsa'y hinahanap ko ang mga "comfort" ng aking napaka komportableng buhay sa Pinas, kung saan lahat ay gumagana ng karapat-dapat, pwede akong magpagupit o pumunta ng parlor kahit kailan, ang mga damit ay linabhan na, na-plantsa na rin at natupi, ang bahay malinis, ang pagkain linuto. Aminado hinahanap ko ang mga ito minsan, sa aking mga pagkakataon ng kahinaan. Ngunit. Ngunit. Iniisip ko makakarating din ako sa ganyan, sa panahon, at kapag mkahanap ako ng ibang trabaho na nagbabayad ng mas malaking halaga. Hindi ko kailangan ang lahat ng "comforts" ng Pinas araw-araw. Una, hindi ko nagustuhang may mga katulong kami na nakasandal na kami sa kanila. Pangalawa, ang pagpunta sa parlor: pwede rin dito, ngunit di sin-dalas. At ang pinaka-importante sa tingin ko'y bata pa ako, at malusog. Kaya ko pang makaranas ng iba, maghirap, magtrabaho. Kailan pa? At sana, sana, uubra ito lahat, makakaraos ako, sana kasama ko pa si Jess, at sana, sana, it's all worth it.
Karagdagan: At the same time, kapag hindi kami matuluyan, paano na? Pag hindi umubra at kinailangan kong bumalik at magtrabaho sa pabrika, ano na ang resulta? Sabihin natin sa ngayon na ako'y ang "settle down with someone" tipong tao, eh ano kung hindi? Siempre pwede rin ang mga itong mangyari, pero sana sana hindi. Kaya sa aking sarili: maghanap na ng trabaho, rumaos na!
flip-speak