[Kino no Tabi] Kung Saan Mapaparoon

Mar 06, 2010 15:45

Titolo: Kung Saan Mapaparoon
( Orihinal na Bersyon ) Inakda: Nobyembre 28, 2008
Kategorya: Kino no Tabi
Karakter/Pairing: Kino, Hermes
Uri/Marka/Babala: Friendship/G/wala

Buod/Sipi: Nag-anyaya si Kino ng roadtrip.


Kung Saan Mapaparoon

"Roadtrip tayo!"

Iyon ang bulalas na ikinagulat ni Hermes noong umagang iyon.

Hindi sa ikinagulat niya ang kanilang paglalakbay mismo. Kadalasan kasi ay palagi silang may pinatutunguhan. Maaring wala sa itsura ni Kino ngunit isa siyang obcom na hinding hindi tutuloy sa biyahe kapag hindi planado.

"R-roadtrip?" sabi niya. "Bakit naman?"

Napatingala lamang si Kino at biniyayaan si Hermes ng minsanang ngiti. "Wala lang."

Kung mayroon lang sanang mukha ang kanyang motor ay sumimangot na ito. Sa lengwahe ng normal na tao, ang 'wala lang' ni Kino ay maaring interpretahin bilang 'nag-iba ang ihip ng hangin', 'maganda ang panahon ngayon', 'hindi maiiwasang dinggin ang tawag ng paglalakbay!' at kung anu-ano pa.

"Senti ka ata…" tugon ni Hermes.

"Pwede," ang komentang kanyang narinig nang sinakyan siya ni Kino at inapakan ang pedal ng motor.

"So…paano resa?"

"Kung saan tayo mapapadpad pag naubusan ka na ng gas."

Naglabas si Hermes ng isang buntong hininga bago tumungo silang dalawa sa guhit ng pagsibol ng araw sa pagitan ng langit at lupa.

WAKAS

! oneshot, char: kino, language: filipino, fandom: kino no tabi, char: hermes, genre: friendship

Previous post Next post
Up