Titolo: Hinahanap
(
Orihinal na Bersyon ) Inakda: Marso 5, 2009
Kategorya: Darker than BLACK
Karakter/Pairing: Hei/Kirihara
Uri/Marka/Babala: Drama/G/Kirihara's POV, post-series
Buod/Sipi: "Ang Li na nakilala mo noon ay wala na." ang sabi niya sa akin bago tuluyang maglaho."
Hinahanap
"Ang Li na nakilala mo noon ay wala na." ang sabi niya sa akin bago tuluyang maglaho.
Sa buong buhay kong pagsisilbi bilang alagad ng batas, noon lang ko naramdaman ang tunay na pagkabiyak ng aking puso.
Ipinilit kong manatiling matatag. Sa looban ko'y alam kong huli na ang lahat nang nagkaroon ako ng pagbabago ng pananaw tungkol sa mga Kontraktor.
Tao nga naman ako. Pati din sila.
Waring taong namatayan, sinikap kong malaman ang lahat tungkol sa kayang buhay kahit maikli ang panahong pinagsamahan naming dalawa. Sa kalagitnaan ng aking pribadong pagsasakilsik, nalaman kong hindi lamang isang matinding nais na mahupay ang misteryong bumabalot sa kanyang katauhan, kundi dahil sa paglalim ng mararamdaman ko sa kanya.
Sa likod ng maskara, nakatanto ako ng tanging rason, maging makasarili man ito, kung bakit dapat manatili ang mga Kontraktor. Labag sa poot ng tao sa pagbabago ng kinabihasnan...hindi lamang unang hakbang sa salbasyon ng sangkatauhan.
Makalipas ng maraming buwan, kinagawian ko na ang hanapin ka.
Naghihintay na nakakapit sa pag-asang pareho nating pinaglalaban ang kapayapaan ng tao at Kontraktor. Naghihintay sa iyong pagbalik upang mamahinga na lamang sa malayong hinarahap. Sa kasawiang-palad, hindi mawawala ang ating tungkulin sa lipunan sa ngayon.
Ngunit nais kitang makita, at hanggang dumating ang araw na iyon, mananatiling biyak ang puso ko.
Kapag nagkita tayo, magkwentuhan tayo. Buhayin mo ako muli.
WAKAS