Babaeng Pambihira (Phenomenal Woman by Maya Angelou)

May 29, 2014 08:40



Translated this classic poem for a Filipino class way back in 2007.



Maya Angelou (1928-2014)

“Anong lihim mo?” taka ng mga magandang kababaihan.
Hindi naman ako sukat-modelo, o kaya’y kagandahan
Ngunit kung ako nama’y sumagot,
Puro daw ako kasinungalingan.
Sasabihin ko,

Ito’y nasa abot ng aking bisig
Dangkal ng aking balakang
Saklang ng aking pagtapak.
Ang baluktot ng mga labing mayabang.

Ako’y babae
Dahil sa pagkapambihira ko.
Babaeng pambihira,
Iyon ako.

Ako’y papasok sa isang kuwarto,
Na walang pakialam anuman.
At sa lalake,
Ang iba pang tao ay tatayo
O kaya’y luluhod at susuko.
Sa akin sila’y magkakagulo
Tulad ng mga bubuyog sa puno.
Sasabihin ko,

Ito’y nasa nagliliyab kong mata
At sa ngiping marangya
Ang pag-ugoy ng baywang
At ang sigla sa aking mga paa

Ako’y babae
Dahil sa pagkapambihira ko.
Babaeng pambihira,
Iyon ako.

Ang mga Adan mismo’y nagtataka
Kung anong nakita nila sa akin.
Sila ay sumubok
Pero hindi matumpok
Aking panloob na hiwaga
Kapag aking ipakita
Hindi pa nila makita
Sasabihin ko,

Ito’y nasa hubog ng aking likod
At sa ngiting maaliwalas
Ang kilos ng aking mga dibidb
Ang istilo kong may tikas.

Ako’y babae
Dahil sa pagkapambihira ko.
Babaeng pambihira,
Iyon ako.

Ngayo’y natanto mo na
Bakit ulo’y hindi nakayukod.
Hindi ako sumisigaw o tumatalon
Kapag ako’y dumaraan
Dapat ipagmalaki mo
Sasabihin ko,

Ito’y nasa lagitik ng sakong
Ang buhok kong may kurba
Ang palad ng kamay
Ang pangangailangan ng kalinga
Dahil ako’y babae
Dahil sa pagkapambihira ko.
Babaeng pambihira,
Iyon ako.

Photo Credit: http://media3.corbisimages.com/CorbisImage/hover/22/71/8963/22718963/Corbis-42-22718963.jpg

women, poetry, high school

Previous post Next post
Up