Tanaga

Dec 25, 2008 10:49



Regalong Sumpa

Tunay ngang sobrang saya

Ng Pasko sa mga iba

Natutuwa man sila

Saki’y dulot ay luha

Naaalala ko pa

Nang sa aki'y kinuha

Nang pangalawang ama

Ang puri nang ‘lang awa

Regalo nya raw sakin

Sa pagsapit ng pasko

Isikreto raw namin

Sa Ina at lola ko

Langhap ko ang aroma

Ng alak sa hininga

Ramdam ko ang diin nya

Takot ako sa kanya

Naulit ng isa pa

Pagsapit ng umaga

Panay ang kanyang kapa

Sa ’king pagkadalaga

Sa aking murang edad

Wala akong nagawa

Kundi magmakaawa

Na tumigil na si Dad

Ngunit hindi natigil

Hindi nya raw mapigil

Dibdib ko ay lumaki

Ang tyan ko ay kasapi

Sa Pasko ko nagisnan

Di ko malilimutan

Ayaw ko nang maulit

Ang  regalong sinapit

Previous post Next post
Up