Jan 07, 2009 13:24
if you're a 90's kid, you'll find yourself agreeing to most, if not all, of this. sobrang laughtrip siya, for me at least. :)
ENJOY! XD
• Masaya ka kapag naglalaro ka ng Tex at Pog. Kadalasan ang design dito ay yung mga palabas sa TV, mga drama o kaya anime, may dialogue pa. YUP!!! i used to have shiny pogs... which i lost.
• May comics pa ang bazooka. Kahit di mo maintindihan yung Fortune Cookie sa huli ay collection mo pa rin yun. wala nang comics ang bazooka? pero SUPER AGREE ako dito! :P
• Uso pa yung tirador, yung gawa talaga sa sanga ng puno. tirador... nakalaro na ko non pero never during my younger years.
• Ang mga babae naglalaro ng paper dolls na tigpipiso bawat isang set sa sari-sari store. ang alam ko uso yung plastic bubble...
• Kung lalake ka, siguradong may pellet gun ka. tama! mga pinsan ko meron!
• Humihingi ka ng dalawang piso sa magulang mo para maglaro ng video arcade sa sari-sari store. Favorite mo yung Sonic, Mario at Street Fighter at Tetris. LOL! I AGREE! lalo na sa baguio... they had these arcade thingies in the country club!
• Nagwa-watusi ka kapag New Year kahit pinapagalitan ka ng nanay mo. not me though. takot ako sa paputok. XD
• Meron kang sapatos na umiilaw yung swelas kapag iniaapak mo. Mas sikat kung iba-iba yung kulay. LOL! YESSSS! meron pa ata ako nung jelly shoes NA MAY ilaw. XD
• Merong at least isang Chicago Bulls na shirt sa bahay nyo. Madalas number 23 pa yung nakalagay. hindi eh... siguro mga pinsan ko?
• Pinapatulog ka ng yaya/nanay mo tuwing tanghali o hapon para raw lumaki. Hindi na kasi pinapatulog ang mga bata ngayon tuwing tanghali di tulad nung panahon natin. LOL! so true! palo ang punishment pag di natulog! XD
• Sinasabihan ka ng matatanda na may lalabas na pari o bigas sa sugat mo kapag hindi nilagyan ng alcohol pero in the end, betadine lang ang magpapatahimik sa inyo. EH?
• Kung babae ka, nagkaroon ka ng butterfly hairclips/rings. (si Jolina ang nagpauso nito.) ZOMG! usong-uso yan sa WR dati!!! paramihan pa nga ng butterfly eh!!!! XD
• Kung medyo may pera ang pamilya nyo, nagpabili ka ng Polly Pocket. LOL! AGREE! andun pa nga sa bahay lahat ng polly pocket ko eh! minus polly.
• Naglalagay ka ng Kisses (yung mabango) sa pencil case mo, o kaya sa isang lalagyan na may bulak, alcohol at tinutusok ng karayom para mabilis manganak. huh? ano to?
• May free stickers ng Disney movies sa loob ng Maggi noodles. sorry. lucky me kinakain ko noon pa. XD
• Pinapatunog mo yung takip ng Gatorade. LOL! totally!!!
• Ang mga stationeries na uso: Papemelroti, Tsukuba, Sashikibuta. Pwedeng ibenta, pwedeng trade lang. HAHAHAHA! TAMA!!! hindi lang stationery--stickers and lisa frank stuff!
• Pampalipas oras mo dati ang paglalaro ng Brick Game, at swerte yung mga may advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob. Mas advanced ka kung Tamagotchi ang nilalaro mo. Pinapakain mo, pinapatulog mo, at inililibing mo kung namatay na. At kung talagang kaya nyong bumili, Game Boy ang sayo. Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot mo yung mga bilog sa stick na maliit. LOL! I AGREE! agawan kami dati sa gameboy dahil iisa lang sa magpipinsan ang meron!!! XD
• Bago magsimula ang klase, nakikilaro ka muna sa 10-20, jackstone, langit lupa, ice water, taguan, dr. quack quack, tumbang preso, pepsi seven up at agawan base. Di bale nang madumi na ang uniform mo pagpasok ng classroom. LOL! grade 1-5 memories na to!!!!! XD hindi nga lang to before class eh. meron pang during class, recess, lunch, and after! ganyan namin ka-loves yung games before!
• Sinasabi mo sa kaklase mo na "Liars go to hell" kapag tingin mo nagsisinungaling sya. "Cross my heart, hope to die" kapag nangangako ka. "Period no erase" kapag gusto mo walang kumontra sayo. Kaya lang wala kang lusot kapag sinabi ng kaklase mo na "Akin yung factory ng pambura". MISMO. XD
• Sikat ka pag ang pencil case mo nabubuksan sa dalawang side tapos maraming attachments like magnifying lens, book stand, compartments na maliliit tapos push button pa. Minsan sa ibabaw ng pencil case meron pang maze, may maliit na silver na bola tapos itatagilid mo yung pencil case para gumulong yun, hanggang sa matapos yung maze. ZOMG! si issel may pencil case na ganito dati! alam ko kasi ako yung isa sa mga taong nilalaro yung pencil case niya!
• Di ka baduy kung ang notebook mo nung elementary ay may mukha ng artista. not in my school... mas uso dati yung cartton characters...
• Sa coolman mo inilalagay ang tubig na baon mo sa school. YEP! hanggang nung high school may taong may lunchbox at jug na coolman eh... (jug co pala nung high school coolman!)
• Nagpabili ka ng Baby-G sa magulang mo. YES! HAHA! meron ako dating blue at yellow! ayos pa yung yellow baby-G ko!!!!! XD
• Elementary ka nung nauso ang pager. Yun pa ang pinapangarap ng mga bata, hindi pa cell phone. pager? nope. cellphone kami agad... nauso ata yun nung grade 3? mayaman ka pag may cellphone ka!
• Meron ka pa rin ng pinakamalaking cell phone na nakatago na ngayon sa mga kahon. meron! does nokia 5110 count?
• Wala pang PS/PS2, XBox, Wii, atbp. noon. Family Computer pa lang, yung cartridge yung bala. Usong laro ang Mario Bros., Battle City at Rambo. the japanese call it famicon... wala lang. but YES. power rangers yung favorite game ko on a famicon. XD uso nga din dati yung game gear eh.
• Meron ka ng isa sa mga ito: Family Computer, Nintendo, Sega, roller blades, brick game, Tamagochi, Swatch Watch w/ matching guard, Troll collection. mga pinsan ko meron nung game consoles. ako, merong troll collection. XD pero sooooobrang uso yung tamagotchi! pero kung anu-anong urban legends ang lumabas about that...
• Alam mo ang mga linyang ito sa mga kanta: "Natatawa ako, hi hi hi hi", "Anong paki mo sa long hair ko", "Dahil sa bawal na gamot", "Mga kababayan ko, bilib ako sa kulay ko". yep! not all of them, though.
• Isa dito ay theme song mo: "I Swear" by All 4 One, "What's Up" by 4 Non Blondes (And I say, Hey ey ey ey ey ey. I said hey, What's goin on!), "Zombie" by Cranberries. LOL. SO TRUE!!!! pag-feel naming maging jologs, yan yung kinakanta namin nung high school. hindi naman ako pwedeng kumanta ng ganyan dito... baka mapagkamalan akong baliw! XD
• Sumasayaw ka ng Macarena. hindi lang yon. may casette tape kami niyan dati!
• Alam mo ang kanta ng Spice Girls at may favorite ka sa kanila. Kung fan ka talaga, may poster ka pa at casette tape ka pa nila. okay fine. aaminin ko na. may CD kami nila at naging fan ako.
• Malamang ay naging fanatic ka ng isa sa mga sumikat na boy bands. backstreet boys, 98 degrees, boyzone, etc. you name the boy band, i MIGHT know their songs.
• Ang tinutugtog lagi sa radyo ay mga kanta ng mga banda gaya ng Eraserheads, Parokya ni Edgar nung nagpapalda pa lang sila, Alamid, Rivermaya, True Faith, The Youth, Afterimage at kung anu-ano pang pinoy bands. yeahp! but i never really knew who they were.
• Tape pa ang uso, di CD or MP3 players. Pag gusto mo yung kanta kailangan tantyahin mo kung ilang seconds i-rewind yun para mabilis paulit-ulitin. YES!!!! pero ako yung tipong... tatapusin yung side a saka ifflip to side B. that in itself is a hassle. XD
• Kinakanta nyo dati sa school yung "Heal the World", "Tell the World of His Love", "Jubilee Song", etc. GRABE. usung-uson to dati... pinag-presentation din ata kami nito eh (sa church namin)
• Nanonood ka dati ng Power Rangers, Captain Planet o Ninja Turtles. Nagkukunyari pa kayo ng mga kaibigan mo na kayo yun at nagkakasipaan kayo. OMG. don't even get me started on power rangers! *captain planet! he's a hero! gonna take pollution down to zero!*
• Di ka papagalitan ng magulang kahit magbabad ka sa TV, basta ang pinapanood mo ay Hiraya Manawari, Bayani at Sine Skwela, kung saan nakilala mo sila Teacher Waki, Ugat Puno, Palikpik, at ang buong barkada nila lalo na kapag nakasakay sila sa space ship o sa jeep na lumilipad. no... i never went through this phase, pero lagi tong pinapalabas ng mga teacher sa school. dati kasi iisa lang channel na puro cartoons: cartoon network. sumunod na lang ang nick and disney channel. diba?
• Sinubaybayan mo ang Ghost Fighter at ang Dragon Ball. Naging favorite mo si Eugene at si Goku. not really, pero naiintriga ako kaya maghahanap ako ng paraan para mapanood to sa internet. :D
• Niloloko mo yung theme song ng Voltes V kasi di mo maintindihan yung theme song: "Tato ni Ara Mina malaking cobra...", "Boltes Payb lima sila, pumunta sa kubeta...", "...Kontra Bulate!" TAMA! hindi ako mismo yung nagpaparody, pero aam kong may ganito!
• Napanood mo din yung ibang anime tulad ng Shaider, Sailormoon, Daimos at Maskman. Saulo mo pa nga yung kanta dun: "Oh maskuman kayo ang pag-asa.. Iligtas kami sa marahas na kadiliman... Kami inyong ipaglaban! Sugod, sugod laban maskuman, ipaglaban nyo ang katarungan.. Sige, sige laban maskuman.." SHAIDER AND SAILORMOON! meron pa nga atang sailormoon club nung grade 2!!!! XDDDD
• Sinubaybayan mo ang Sarah ang Munting Prinsesa, Julio at Julia, at Cedi. Pinanood mo pa nga yung movie version ng Sarah ang Munting Prinsesa with Camille Prats. shet. pati ba naman toh??? AGREE!!! lagi ko nga tong pinapanood dati eh! tapos pag lumabas sa cinema one, pinapanood ko pa rin!
• Alam mo din yung "Ang Pulubi at ang Prinsesa" with Camille Prats and Angelica Panganiban. YESSSS!! yung nag-aasaran yung dalawa! lol!
• Gusto mong sumali sa ANG TV. Pero alam mong hindi na pwede. kaya kuntento ka na lang sa panonood nito tuwing 4:30 ng hapon. 4:30 na! ANG TV NAAAAAAA!!! doo wah diddy diddy dum diddy doo! XD
• Batibot ang usong palabas. Akala mo nga mag-dyowa o mag-asawa sina Kuya Bodjie at Ate Sheena. batibot kid ako! pero hindi ko naaalala sina kuya bodjie at ate sheena! naaalala ko pa nga yung theme song eh!
• Alam mo yung tono ng pinausong kanta ng show na "ATBP.": Isa.. dalawa-tatlo.. apat-lima.. anim-pito-walo.. syam-sampu... labingisa-labingdalawa... labingtatlo... labingapat-labinglima... YES! atbp kid din ako!!!
• Napanood mo ang Batang X. YES! I SUPER LOVED THAT MOVIE! alam ko pa nga yung hand sign nila eh! (yung sign language ng y)
• Sabay kayo nanonood ng yaya mo ng Marimar. di lang marimar! rosalinda, camilla, el diario de daniella, chabelita, etc!
• Nanonood ka ng kahit alin dito: "Okay Ka Fairy Ko", "Oki Doki Doc", "Abangan ang Susunod na Kabanata", "Palibhasa Lalake", "Ober da Bakod", at "Home Along Da Riles". YES! favorite ko yung okay ka fairy ko!!! alam ko pa rin yung theme song ng palibhasa and nung home along!
• Galit ka kay Clara kasi sobra naman talaga sya mang-api kay Mara. YES! sobrang asar ako kay clara! sinasampal ko pa nga yung tv dati eh!
• Pinanood mo din yung "Villa Quintana", "Esperanza", "Anakarenina" atbp. i've never heard of villa quintana, pero super fan ako ng esperanza and anakarenina. juday and wowie!!!! XD
• Mga love teams na nagpakilig sayo: Juday and Wowie. Jolina and Marvin. hindi ako kinilig sa kanila, pero alam kong uso sila! meron pa ngang tabloid mags yung mga maid namin na ang cover ay sina juday at wowie...
• Alam mo yung commercial ng Tender Juicy hotdog na ganito: "Dear diary, Carlo sat beside me today. He's so cute! Sabi niya I'm pretty kaya lang I'm fat." LOL!!! i soooooo remember this!!!
• Kinakanta mo yung "Thank God it's Sabado, pati na rin Linggo..." at "Isa pa, isa pa, isa pang Chicken Joy". YES! si serena dalrymple ata nagpauso nito eh! kasama pa niya si tito aga!!! XD
• Nasa channel 2 pa ang Eat Bulaga at ang Mel and Jay. YEPYEP! idol ko dati si aiza seguerra, nung hindi pa siya.... alam niyo na. XD nasa eat bulaga siya dati, diba?
• Nakikita mo sa balita na may mga kultong nagtatago na sa kweba, kasi magugunaw na ang mundo sa year 2000, at yung mga computer daw bigla na lang mag-shu-shut down at mawawala na daw ang technology. like i said, cartoons kid lang ako. pero may narinig din ako tungkol diyan...
• Chinese variety shows ang palabas tuwing umaga ng linggo. talaga???
• Matapang ka kung napanood mo lahat ng Shake, Rattle and Roll movies. OMG! pinanood ko yung isa dati! yung sumusuka yung monster ng acid! tapos dinissolve is ai ai delas alas! XD
• Narinig mong i-announce sa radyo yung death ni Princess Diana. Biglang nauso yung kanta ni Elton John na "Goodbye, England's Rose." i just knew that princess diana died. none of the other stuff.
• Nasa VHS yung mga movies na pinapanood ninyo sa bahay. hindi lang yun eh. BETAMAX.
• Kung babae ka, naging crush mo si Leonardo di Caprio dahil sa Titanic. Kaya nga lang, bawal ka pa tumingin sa kissing scenes nina Jack at Rose. uhm... hindi ko nga maintindihan yung titanic dati eh! kelan ba pinalabas yun? grade 3? natatandaan ko lang yung my heart will go on. XD