natalo kami sa CCAP battle of the bands last sunday. haha. actually ineexpect ko na rin talagang hindi kami mananalo. basta. hehe. pero masaya rin naman kasi andami ko ring nakilalang peeps. and im really looking forward na makilala ko pa lalo ung isang organizer dun na si
Tin. but i think ayaw naman nya akong makilala. LOL eh sino ba naman ako! hahaha andrama!!! :)
so aun, nanalo ang Convergys, sayang, hindi ko napanood, tumugtug daw sila ng love songs. lol hindi rin namin alam kung pang-ilan kami. probably, we're the last ones. haha
after nung event, may nakilala pa kaming mga taga VXI. mejo bitchy yung isa. lol. nagkayayaang mag-inuman sa Pier One (ng sunday night! haha). kasama ko rin sina Richard (bandmate ko from Dropped in Error) at si
xelalien . well mejo nalasing din ako. LOL
ANYWAY...
tutugtug pala kami bukas sa Market! Market! for HERO TV. umm... gusto ko lang namang iklaro, na hindi ko binagsakan sa cel ang channel head ng HERO TV na si Eric Go. kasi ganito yun, i was on my way to the studio for a
Do'ahou band practice nang tumawag sya sakin sa cel ko.
Ergo: X, may meeting tayo ngayon diba!?
X: huh!? wala akong alam. walang nagsasabi saking may meeting.
(call got disconnected for no reason)
then i texted him, i told him na walang nagiinform sakin about the meeting and the gig itself. so ayun, ano sa tingin nyo, magtetext pa ba ako kung nambagsak ako sa fone!? LOL. well it's not really a big deal. gusto ko lang naman iklaro kasi maraming nakakamisunderstood. anyway... tuloy pa rin ang tugtug namin bukas sa Market! Market!.
then later na lang namin nalaman na si
Marlon pala ang kinokontak ng HERO TV para dun sa mall tour ek ek. amf! nakalimutan daw nya (Marlon) kaming iinform about dun sa gig. LOL so you see, this is just a clear case of misunderstanding... haha nakakatawa talaga ang buhay.
***
hmmm... may kakaiba akong nararamdaman ngayon, hindi ko pa pwedeng sabihin sayo kasi gugulo lang ang lahat. marahil namimisunderstand ko lang ang mga usapan natin... marahil balewala lang sayo. basta hindi ko pwedeng ipagsabi. ang nakakaalam pa lang ay ang
boss ko, at ang close friend kong si
Jhellai. kelangan ko pang makasiguro. ito na nga ba yun? o baka hindi...