Selected poems

Feb 02, 2008 21:50


SELDA 1972  (JPA 1972)

translated in Filipino/revised by Manoy Velasquez 2007

Kay taas ng pader sa aking paligid,

munting pisngi ng langit ang tanging nasisilip,

mutya kong tinatangi aking naiisip,

pagkat pagtangis ng mutya'y lubusan kong batid.

O mutyang ginigiliw na lugmok sa dalita,

ang makitang laya ka'y aking ninanasa,

ang kundiman kong ito'y pagpugay sa 'yong ganda,

gandang namumukadkad pag wala ka ng dusa,

Wag kang malungkot sinta sa aking pagkawalay,

ano man ang sapitin kung siyang yaring taglay,

ang lahat ng aking lakas at natitirang buhay,

sa iyong kapakanan aking iaalay,

Butihing mutya, BAYAN KO.

LANSANGAN  JPA 80's

Translated in Filipino and revised by Manoy Velasquez 2007

Sa lansangang aspalto

inukit ang kasaysayan,

ng isang bayang inalipin ng lubusan,

kaya dito rin ipinanday ang kinabukasan,

na bakas pa rin ng dugo, buto at laman.

Sa nakaambang na panganib di natigatig,

upang maituwid ang bayang baha ng ligalig,

kamataya'y di alintana at sa ataul ipinid,

sa pakikibaka'y inuban na at labas na ang litid..

Previous post Next post
Up