Balance Diet

May 06, 2011 20:04







Nagtaka ang nanay pagbalik ko galing Ilocos, binilinan naman daw niya kong maglagay ng sunblock bakit daw sunog na sunog pa din ako? Naniniwala kasi siya na kapag naligo ka ng sunblock e mapapanati mo parin 'yung mala porselana mong kutis.

Aba mami, mahirap yatang ma-achieve ang complexion na golden tan -sagot ko naman sa kanya.
Bago tumulak ng Ilocos, nanuod muna ko ng Senior Year sa Trinoma't bumili ng Krispy Kreames tska dumeretcho sa may Katipunan para naman Happy Monday's. Nu'ng una'y hiyang-hiya pa kong magpakita kina Khavn. Eto ko mukhang naliligaw, walang kasama habang hawak ang isang box ng krispy kreames sa kanang kamay 'yung kaliwa nama'y sa yosi na walang sindi. Para akong nasa lugar na pamilyar pero hindi ko na halos makilala. Huling beses kasi akong dumalo sa isang reading e may apat na taon na yata ang nakakaraan at anim na taon naman nang huling beses akong magbasa. Pinaprint ko pa sa may mrt taft ang huling tulang nagawa ko. Babasahin ko 'yun pagnagkalakas ako ng loob, sabi ko sa sarili ko, sabi ko naman kay John pagnaka-tatlong beer na ko. Pero nasa pangalawa palang ako'y binangit na ng host ang pangalan ko, sabay na sumigaw, pumalakpak at tumigin sa'ken si John at Khavn. Sige na nga! Tutal gusto ko naman talaga magbasa, nagpapakipot lang ako, obvious ba?

Last minute nang magtxt sa'ken si Jona (stylist sa Temptation Island) sumama na daw ako sa 2nd leg ng Ilocos para maayus ang turn-over. Mangingibang bansa kasi siya't hindi na matatapos ang shooting, so papalit ako. Ang totoo nasa'kin naman talaga ang korona, ipinasa ko lang sa kanya tas ipinasa niya ulit sa'ken. Pinapili kasi ako ng boss ko kung tv5 o temptation, ewan ko ba kung bakit ko pinili ang tv5! Siguro kasi akala ko mas-stable 'yun, e biglang naligwak ang show! Ang ending nagshoshoot na sila ng temptation, ayun ako sa bahay at walang trabaho!

Hindi naman talaga ko fan ng mga remakes, bwisit na bwisit nga ako sa mga 'yun e. Pero, wala naman sa'ken kaso kung magtatrabaho ako para sa isa. Hello, chooooooosy pa ba? Isa pa nakaka-lure ang big name stars! Maganda sa resume! Maganda ding conversation piece sa inuman, ang chismis kay ganito-ganyan, totoo bang may anghit si starlet 1, dinedma ka ba nu'ng nakipagkamay ka kay superstar 2, 'di daw nagpapanty si at kung ano-ano pa.

Dati sabi ko sa sarili ko, gagawa ako ng art films! Independent! Mala Lav Diaz! Raya Martin! Nu'ng magsimula akong magtrabaho sa network at mainstream naisip ko, hindi naman masamang maging Kathy Garcia Molina or Joyce Bernal! Hindi naman masama.

Tamang balanse lang siguro. Sa Lunes, dadamitan ko naman si Judy Anne Santos para sa Junior Master Chief. Hindi pa ako na-i-istar struck kahit kanino, maliban kay Ely Buendia nu'ng minsang makita ko siya sa Rob place Ermita. Pero mukhang etong darating na Lunes, makaka-strike two na ako. At pagkatapos ma-star struck, mag-cu-cubao-x naman ako, a-art, to-toma, para cool. Tamang balanse pards, tamang balanse.

Nga pala, si direk Joyce minsan nang nagtanong sa'ken.

"Dwein lahat ba ng magboboyfriend at girlfriend nagsisex?"

Previous post Next post
Up