1. Namimigay ako ng pera -yung mainit, malutong at kailangan ko.
Kaninang umaga, nakatanggap sa'kin ng advance pa-merry christmas si manong taxi. Galing akong Baclaran at bumaba sa may Mother Ignacia. Sabi ko sa kanya, "Manong may panukli ho kayo sa limang daan?" Umiling siya, "Sige, eto nalang" sabi ko, sabay balik sa'king wallet ng limang daan at kuha naman ng isang daan. "Magkano? 170, eto, 20-40-60-80" habang binibilang at inilalagay sa palad niya ang tig-be-bente pesos ng nananatili kong buhay. Humirit pa ko ng "Keep the change!" , yabang ko lang.
Kabisado ko ang laman ng aking wallet: Apat na bente pesos, ilang mamiso, isang 100 php bill at 500 php.
Hapon na nu'ng malaman kong mali ang naiabot kong pera. Isang daan nalang kasi ang nasa wallet ko't ilang malungkot na mamiso.
Merry Christmas Manong!
2. Nakakapag-modulate ako ng voice.
May nangangarolin sa'min lage at lage ko din siyang sinisigawan ng paborito nating "PATAWAD!!!!", nu'ng isang gabi, hindi siya nakapagpigil. Pagkatapos kong hugutin sa'king diaphragm ang well modulated at napakalambing kong "PATAWAD!!!!!", bigla niya kong hiniritan ng (pakanta:) "Tengggggkyuuuu, Tenggggkyuuuuu, you, pakyu kayong lahat, tenkyu!"
Hindi na ko nakahirit, kinahulan lang siya ng aso namin.
3. Natututo akong maki-usap at magdrawing ng heart shape sa computer.
4. Kumakapal bigla ang mukha ko, hence ang dalawang episode sa YOUR SONG PRESENTS: KIM, kung sa'n inagawan ko lang naman ng trabaho ang ilan sa dakila nating extra! Meyn! Pasko = extra cash! Para magka-extra cash kelangan extra kapal ng mukha! At pag-extra kapal ng mukha mo why not magtalent w/ speaking lines ka nalang! 2k din naman 'yon! Kaso, nahimas ako ng E.P namin binigay ko na sa 1k. Pasko naman e.
O well papel.
5. At ang huli't pinakamalupit sa lahat, bigla akong nakaka-appreciate ng kakatuwang mga bagay:
Click to view
Para kang parol sa aking bubong...