baket pa?

Sep 25, 2004 03:15

baket ba ang pusa tumatawid kahit na bawal ang jay-walking?? tagal na ko di nakakaupdate dito sa LJ na to. pano ba naman kasi tinamad na ko at bihira na din ako magonline sa sobrang daming ginagawa. bwiset pa kasi me journal writing kami sa filipino and english subjects. kakaloka no? kelangan mo iupdate as in every single day. nampucha.

sino mga pumuntang rockista concert sa Ultra futbol field?? lalang. saya din. pinakamaagandang nangyare saken nung araw na un ay napanood ko Bamboo at si Ely Buendia oh my gass! puchainginangina! ewan ba dami ko naaalala basta mabanggit lang o mapakinggan ang "EHEads" soundtrack kasi ng buhay ko yan e. tulad ng madaming nilalang jan.

i got my 14 and 44 premolars extracted this afternoon sa UP Mla. lalang share ko lang first time ko magpabunot ng ngipin. initially, takot na takot ako malamang. makita ko lang ung mga instruments na kumikislap, kumukutitap na silver. waaa. tangina. tas nung injection ng anesthesia kala ko as in masakit. mejo lang pala. para ka lang nagpapapierce pero ang lalim sa loob pa ng bibig mo. pero ok lang nagmamanhid naman e. ung mismong extraction, ok lang mejo nga inantok ako nung binubunot ung premolar ko sa upper right side. ewan. nakapagrelax naman ako kahet papano. iba sa inaasahan ko. kala ko as in "HELLLLLL" ayus lang din pala. iniisip ko nalang pucha bungi ako pagpasok ko sa skul. hahaha. me clown nanaman sila hahaha.di ko nga laam kung baket pa ko nagaaral ng nursing e. pede naman ako magclown buong buhay ko. hahahaha.

ayun... so back to the brutal bunutan story, mas mahirap at mas matigas at mas waaaaa sobra iba ang sa lower right premolar ko. sabi kasi ng cuz ko na UPdent student, mas matigas daw talaga un kaya mas inuuna ung sa taas. di naman gaano kasaket. un nga lang parang me mali kasi sa jaw ko e. para akong najajaw-lock. hahaha. bute hinde pala. basta parang me mali!. ewan ehhhwan!

pagalis ko dun, diretso na ko sa MCDO pedro gil, taft. bili kagad ng large fries at shempre choco sundae. sarap ng malamig sa bibig ko. pero sisi ako dun sa fries dahil first time ko kumain ng fries na hindi enjoy. sa left ako ngumunguya e mejo masakit na din kasi nilagyan na ng mga rubbers e.. separators dahil nga magpapabrace na ako. hahaha

langyang buhay to. baket pa kasi ako pinanganak na panget ang ngipin. anywayas. buti nalang di tinanngal ung pangil ko. astig ksi e. pede kong weapon sa mga magaasar saken ng "BUNGI" hahaa. taina di ko alam siguro tatawanan ko nalang pag me nangasar saken na bungi. ok lang naman e. at least in the long run, maganda na ngipin ko. mas masaya ng tumawa at humagikhik hahaha.

for the mean time, mahinhin na tawa nalang muna. pero mukhang di ko nature un e. masarap kasi ako tumawa e. :P
Previous post Next post
Up