naiirita ako sa kantang 'ITSUMO' pero naalala ko si batman tuwing naririnig ko un..

Aug 15, 2004 02:05

nahuli nyo na ba sarili nyong nagssmile all of a sudden dahil me naalala ka kasing tao/bagay na nakakakilig o kaya naman nakakatawa? tapos marerealize mo nalang na nagmukha kang tanga dahil sa moment na napangiti ka. minsan me iba pang taong nakakita sayo tas itatanong nila kung anong nakakatawa.

sabi nila wala namang masama sa pangangarap. libre nga namang mangarap e no? kaya walang kokontra...

ive noticed that ive been dreamy these past few days. puro daydream na walang katapusan. nakakalungkot kasi after ng bawat pangangarap ko gising man o tulog, marerealize ko nalang na nalinlang ako ng sarili kong isipan. kalokohan lang lahat. mindflush. my hopes are too high.
Previous post Next post
Up