Gusto ko sanang simulan ang entry na ito sa pagtawa.
Hahahahahahahaha.
Apat na taon na pala tong blog ko (kung babalikan niyo ang mga nakaraang anniversary entries, yung bilang ko dati sobrang mali, taena olats, hahaha). Gaya ng parati kong ginagawa pag umaabot na to ng isang taon, binabalikan ko ang mga nakaraang entries ko. Sa pagkakataong ito, LAHAT ng entries mula 2004 - 2008 binalikan ko at LAHAT ng comments binasa ko ulit. Dati kasi, pag sinasabi ko na binabalikan ko yung luma kong entries, hindi ko talaga sila binabasa ng maayos. Skim skim lang, paskip-skip, pero ngayon, gawa na rin ng pagiging stuck dito sa bahay dahil may sakit ako, binasa ko silang LAHAT.
Nagsimula akong magbasa nung mga 7:20pm, natapos ako ngayon lang, 1:55am. Wow. Yun yung una kong naisip nung natapos ako: Wow.
Sobrang dami ko nang nakalimutan na ngayon ko lang naalala. May mga storya na ang hirap basahin, kasi alam ko kung ano yung mga eksaktong nangyari nung mga panahon na iyon, kaya nakaka-cringe pag binabasa ko sila, pero nakakatuwa parin at the same time.
Sobrang natatawa ako habang binabasa ko yung mga entries. Ang dami kasing mali. Ang dami kong mga salitang napagpapalit-palit, ang daming mga shifting sa tenses na nangyayari at mga medyo weird na sentence construction. Kahit nung banding late 2007, may mga entries akong ganoon, kaya hindi ko siya masisisi dahil bata pa ako at tanga.
Pero naalala ko rin na hindi nga pala ako nageedit ng mga ginagawa ko dito. Sa katunayan, nung una, ginagawa ko lang yon to prove a point, para mapakita na yung blog ko, sinusulat ng emosyon at hindi ng pag-iisip. Well, medyo may sense naman kung ganoon, pero nakakairita lang basahin yung iba minsan. Parang “Puta, tignan mo nga yan! Gusto mo pala magsulat ah!”
Pero sobrang nakakatawa rin, kasi naramdaman ko ulit yung mga emosyon na sinubukan kong iparamdam sa mga magbabasa nito. Haha. Ang galing nga eh, parang kakasulat ko lang ulit sa kanila (except yung ibang mga entries na sinulat ko nung lasing ako o sabog).
Napansin ko rin na yung 20 - 30 first entries, compared sa mga mas recent, nabawasan yung pagiging potty-mouth ko. Well, hindi nga ako makapaniwalang ganoon pala ako magsulat dati. Puro senseless na mura at sobrang olats na bluntness, parang kanto-boy. I guess, ang point ko dati para ma-maintain yung purity ng emosyon, pero habang tumatagal, narealize ko lang na sobrang mali pala non. Hindi naman kailangang maging sobrang blunt o sobrang dami ng mura para makapagconvey ng raw emotion. Halimbawa: Henry (
http://taenamogago.livejournal.com/2127.html) at yung sobrang labong UA&P story (
http://taenamogago.livejournal.com/9887.html).
May mga entries na sobrang natuwa ako nung binalikan ko, like yung Chopsticks Girl entry (
http://taenamogago.livejournal.com/35160.html). Sobrang naaalala ko to. Dahil sa entry na ito, ang daming tao na nagmessage sa YM at nagemail sa akin, either sinasabing sobrang ganda nung nangyari at kinilig sila, tinatanong kung totoo ba daw yung storya na iyon at minumura ako dahil sobrang barbero ko daw.
Gaya parin ng sinasabi ko sa mga tao, hindi ko sasabihin sa inyo kung ano ang totoo at ano ang hindi. Naalala ko tong mga entries na to, tungkol dun sa conversations naming ng “anak” ko. (
http://taenamogago.livejournal.com/25783.html ,
http://taenamogago.livejournal.com/26041.html ,
http://taenamogago.livejournal.com/26225.html ,
http://taenamogago.livejournal.com/28204.html)
Hindi ko alam kung ba’t ang daming nagtatanong sakin dati kung totoo ba daw na may anak na ako. Sa mensahe palang at sa conversation niyan, medyo given naman na iba yung ibig sabihin ng pagkakaroon ko ng “anak.”
Ang totoo sa mga entries ko, well, lahat yan. Lahat ng entries ko dito totoo.
Pero totoo ba silang nangyari? Kayo nang bahala don. Binibigyan ko lang kayo ng emosyon, pinapakita kung ano ang mga nangyayari at kung ano ang mga ginagawa. Kung sa tingin niyo totoo, eh di sige. Kung hindi, okay parin. Makakaapekto ba yon sa emosyon na nadama niyo? Kung oo, eh di mali ang pagkakabasa mo sa mga entries ko.
Sa pagbabasa ko ng mga entries, medyo nagulat ako sa emosyon na pinapakita ko sa blog na to. Itong entry na to, sobrang naaalala ko:
http://taenamogago.livejournal.com/42067.html . Nung sinusulat ko to, medyo nahahassle talaga ako sa nangyari at parang sobrang apektado ako. Hindi ko alam kung baket, pero talagang ang laki ng tama sa akin ng nangyari nung gabing iyon. Mayroong mga entries na tulad nito, na kahit medyo light, nakakagulat na sinasabi ko pala to out loud:
http://taenamogago.livejournal.com/43298.html . I mean, okay alam ng mga kaibigan ko tong pananaw ko, pero nakakagulat lang na nagsulat pala ako tungkol dito. Tapos, shempre, siguro ang isa sa mga pinaka-maemosyonal na entry ko ever ito:
http://taenamogago.livejournal.com/54554.html . naalala kong halos naiiyak ako nung sinusulat ko yan. Actually, hindi na ako magpapacool, umiiyak talaga ako nung tinatype ko yung last few sentences.
At some point rin, nagswitch ako to making stories. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano yung nagudyok sa akin na gumawa ng mga storya, pero ayon, gumawa ako. Naaalala ko yung storya kong mga tungkol sa chicks: (
http://taenamogago.livejournal.com/47560.html ,
http://taenamogago.livejournal.com/45494.html ,
http://taenamogago.livejournal.com/53037.html), mga storyang malabo: (
http://taenamogago.livejournal.com/47971.html), at kung ano-ano pa: (
http://taenamogago.livejournal.com/58611.html).
Ang dami ko pang entries na gusto kong i-repost, kasi natutuwa ako sa kanila eh. Sayang hindi na sila mababasa ng ibang tao. Haha.
Ang talagang dahilan kung ba’t ako nagpapatuloy, dahil sa mga naging readers ng blog na ito. Kasi, sa totoo lang, hindi naman ako magsusulat dito kung walang magbabasa at magcocomment. Bibili nalang ako ng diary na may plastic na lock, tapos dun ako magsusulat, mas magiging honest pa ako sa mga sinusulat ko. Haha. Pero gaya nga ng sabi ko dati, yung mga sinusulat ko kasi, feeling ko hindi kumpleto pag may kahit isang tao na hindi nakabasa non.
Nakakatuwa yung mga nagcocomment sa mga entries ko. Ang dami sa kanilang nakalimutan ko na at sayang, kasi gusto ko sana silang kamustahin, lalo na yung mga nakakausap ko sa isang mahabang chain ng replies. Haha.
Minsan, pag may sinusulat ako tapos pinost ko sa blog ko, nakakaoverwhelm yung support ng mga taong bumabasa. Sobrang natutuwa talaga ako pag may nagsasabi sakin na sobrang nagustuhan nila yung story, tapos naramdaman nila yung mga gusto ko sa kanilang iparamdam. Pati yung mga taong nageemail or nagmemessage sakin na nagsasabing na-inspire ko sila in some way, sobrang okay yon. Kahit hindi ko naman talaga binabalak na mainspire sila, astig parin na may nakukuha sila mula sa mga sinusulat kong katarantaduhan.
Maraming nagtatanong sa akin kung paano ako magsulat. Never ko naman pinagkaila sa kanila yung totoong ginagawa ko. Sa halos 95% ng entries dito, sinisimulan ko sa isang linya lang. Isang sentence. Tapos, magttype lang ako ng magttype hanggang feeling ko may narating na akong maayos na punto. Ganon lang. Halos hindi ko na talaga pinag-iisipan yung mga entries at hinahayaan ko lang lumipad yung pag-iisip ko. Kaya nga karamihan sa mga entries dito, tumatalon-talon yung flow.
Parang ngayon, hindi ko na alam kung ba’t ko pa sinusulat to. Ang primary thing lang naman na gusto ko sanang gawin, magpasalamat sa mga taong sumubaybay. Kaya lang, narealize ko kasi na yung mga taong iyon na nagbabasa nito dati, hindi na nagbabasa ngayon. Sayang, kasi hindi ko talaga nasabi sa kanila kung gaano ko naappreciate yung mga comments nila sa akin at mga messages of encouragement.
Nung binabasa ko nga yung mga comments, karamihan sa mga may LJ accounts dati na inadd ako at nagcocomment sa mga sinusulat ko, naka-cross out na. Wala na silang LJ. Hahaha. Yung iba naman, 2006 pa nung huling nagupdate, so talagang wala na sila.
Kaya ikaw, kung sino ka man na nagbabasa nito ngayon, salamat sa iyo. Bago ko pa makalimutang pasalamatan ka sa pagpupunta at pagbabasa, gagawin ko na ngayon, sa 4th year anniversary ng blog ko na ito.
Iniisip ko ring isara na ang blog na to eh. Gaya ng site ko, tapos na siya. Lumipas na yung panahon kung kailan naging may use pa siya sa akin, at sa apat na taon na pagkakaroon ng isang blog na walang title, feeling ko panahon na para tapusin to. Pero ewan ko parin, hindi pa rin kasi ako sigurado doon sa desisyon na yon. Siguro malalaman ko nalang bago matapos ang taon.
Pero sa ngayon, itaas ko ang baso ko ng Pulpy Orange (vitamin C, dahil nga sa sakit ko) at sasaludo sa blog na walang title na apat na taon nang tumatakbo.