Aug 06, 2007 10:50
Ganito talaga ako. Mula't sapul pa lang. Matatakutin. Takot sa dilim. Takot sa daga. Takot sa ipis. Takot sa multo. Takot sa matataas. Takot sa snatcher. Takot sa mga tambay. Takot mag-commute. Takot maging baduy. Takot magkamali. Takot mag-isa. Takot masaktan. Takot lalo na kung walang kasiguraduhan.
Pero ngayon. Sinubukan ko ulit. Inihain ko na naman ang sarili ko kahit malabung-malabo ang kahihinatnan. Sige lang. Ganito naman yata talaga. Kahit anong gawin, masasaktan at masasaktan din.
Leche.
love crap