Jan 05, 2008 23:21
Nanonood ako ngayon ng the Big Night ng Pinoy Big Brother. Sorry, pero nakakapandiri talaga siya na TV show. As in wala kang napupulot na kahit anong substantial, not to mention ang sobrang jologs niya. Pero, nye, di ko naman matanggal ang mga mata ko sa TV. Para akong hinihypnotize. Punyemas, sino ba tong mga taong to? Narealize ko lang na ang dami palang bagay na nakakadiring skwater na hindi mo naman talaga gusto pero nakakaadik. Tulad ng...
1. www.perezhilton.com, www.dlister.com, www.popsugar.com at sandamukal pang mga walang kakwenta-kwentang website na puro dirty tabloid news lang ang laman. Nahuli ko si Tricia at Crischelle na ginagamit ang laptop ko. 3 hours later...nakamudmod pa rin ang mga mukha namin sa harap ng LCD screen. Perez Hilton, adik ka talagang bakla ka!
2. Yung mga Karuman na bread sa Mini Stop na may lamang 1mm-thick na ulam. Ang panget ng tinapay na to I swear! Puro harina tapos dadaplis lang sa lalamunan mo yung palaman. But no, binibili ko pa rin sha. Baket? Kasi wala akong maisip bilhin sa Mini Stop which can pass for actual dinner. At, P22 lang siya, eh di may tira ka pang pera bukas pang-jeep tapos pambili ng DVD sa eskinita pagbaba mo ng jeep.
3. Mga kanta tulad ng...Andrew Ford Medina, Ice Ice baby, Crossroads by Bone Thugs, Narda, Yung unang Kitchie Nadal na kantang sumikat, Gasolina song, Papaya song... Punyeta ayoko naman kayong kantahin pero bakit kayo kinakanta ng utak ko?
4. Mga plastic na sapatos. Skwater talaga, mukha talaga siyang plastic! Pero ilan ang pares ng plastic shoes ko? 6! Pano nangyari yun? Di ko alam...
So anyways, alam ko na kung sino nanalo sa PBB at masaya ako para sa kanya maski na di ko siya kilala. Sayang, pogi pa naman yung Will.