FU FX Driver

Mar 03, 2009 21:46

Yes, long time no blog. So i would just like to express myself in this bum night of mar 3, 2009 when I need not worry about any school stuff, at least for the moment.

I would just like to vent out my frustrations through an analogy.

Okay, minsan nakakainis lang talaga kung ikaw na nga yung mali, ikaw pa yung may lakas ng loob na sumagot at magmaktol. Totoo diba? Putanginang pride yan, sino ba umimbento nun. Tulad nalang ng driver ng FX na sinakyan  namin kanina ng isa kong kaibigan. . . It usually costs 10 bucks from Taft to UN, so when we gave a hundred (cuz we dont have a smaller bill) we expected a change of 80 pesos. Tama diba 100-(2X10)=80, but he gave us just 70 pesos meaning he charged us for P15 each. We asked: "Diba 10 each lang?" And with a rising tone, he answered: "Wala akong barya eh!!" (Like it was our fault, later on we found out that he has a stash of 5 peso coins on the dashboard just above the radio WTF!) e di my friend said to just wait for someone to ride and pay so that we can have our exact change. Then when someone did pay, we said:

Joma and i: so yan kuya may sukli na
Driver: piso nalang sukli nyo, wala akong piso.
Ako: Ha? E 10 diba?
Driver: 12 isa eh.
Ako: Edi kung 12, may kulang pa kami 6.
Driver: 15 nga isa!
Ako: ANO? E kakasabi mo lang 12 eh.
Driver: *padabog na nagbigay ng 5 piso*

PUTANGINAAAA! Nakakapikon ang mga taong ganyan. Alam kong mababa ang kinikita sa pagmamaneho pero please naman, magkaroon naman po sana tayo ng prinsipiyo. Hindi porket sa Taft mo nakuha ay mahuhuthutan mo ng pera. Hindi din naman kami mayayaman, (well at least hindi lahat) mga estudyante lang din na nabubuhay sa kakarampot na allowance per week. At naghahangad ding mag-ipon para sa mga gusto namin. At tska, hindi kami TANGA! Hindi namin first time sumakay ng FX! Utang na loob, kaya kung ioovercharge nyo kami, ALAM NAMAN NAMIN!

If you're thinking (yes, you) that it's just what, 10 peso bucks, that's not the point. Yes, it's a small amount of change pero what are specific rates of FARES for?  Kung kulang ang binigay mo, sila din itong ang kapal humingi ng kulang. Pwedeng sabihin ng maayos, isisigaw pa. Pero kung sila ang nagkulang, well, sila parin yung may kapal ng mukha na maningil. Yun lang eh, ang bastos. Sila na nga tong mali.

Ang sarap talagang makipag-away sa taong tulad ni mamang FX driver. Buti nga at nirespeto ko pa siya kahit na ang bastos nya sakin. Sira na nga araw ko, sisirain pa lalo. YUN LANG.

Teka, anong analogy dito? Hmm, kasi may sumira din ng araw ko. At ganyan din ang sitwasyon. Mali na nga, siya pa ang galit. Ang saya talaga ng buhay.
Previous post Next post
Up