Beer ba kamo?

Jul 05, 2009 00:10

Kunwari nagiinom ka ng beer, tapos nakaligtaan mo yung beer mo ng ilang saglit kasi kunwari nagyosi ka sa labas, di kaya kumuha ng pulutan. E ang tagal mo, pagbalik mo, maanta na yung beer. Pumangit na yung lasa tapos di na fresh. Nawala na yung pagka-beer niya. Kadalasan, iiwan nalang yun dun, tapos magbubukas nalang ng bago. Pero kung isa ka sa mga wagas at tunay ang pagmamahal sa beer, iinumin mo nalang yun basta para maubos na dahil puta, beer yun. Sayang kung hahayaan lang, tsaka, basta sayang.

Sa tuwing iinom ako ng beer, di ko hinahayaang umabot siya sa puntong maanta na. Sinasalba ko siya sa ganung pakiramdam dahil ako mismo, ganun na ang pakiramdam. Pakiramdam ko para akong bukas na bote ng beer na unti unting lumalabas yung, kumbaga sa softdrink e yung spirito. Yung pinakadahilan kung bakit siya tinawag na beer. Pano, paulit ulit lang ang buhay ko, may mangyari mang bago, saglit lang, di kaya di naman siya ganun ka-interesante. Araw araw napapagod ako, uuwi ako tapos matutulog. Gigising kinabukasan para magpagod nanaman. Maninigarilyo tapos iinom ng mga isa o dalawang bote ng beer tapos matutulog. Mag-aaral, mangongopya, magpapakopya, gagawa ng thesis. Kakain, tatambay, magiinternet, makikigulo sa problema ng iba, sosolusyonan ang problema ng kaibigan. Yan na halos lahat ng ginagawa ko sa nakaraang isa't kalahating taon. Dati ok lang saken na paganyan ganyan lang ako. Ang sarap nga e, petiks lang. Pero pag tumagal na, parang nakakabagot na. Ang hirap nang maghanap ng dahilan para tumayo sa higaan.

Mabuti pa yung beer, pag sinwerte, may taong wagas at tunay ang pagibig na lulunok sa kanya, kahit maanta na at parang wala nang kwentang inumin.
Previous post
Up