Nanay at Gameboy

May 22, 2007 01:39

Pagmulat ng mata
Gameboy ay nakatawa
Kay Ella
Kay Ella

Kantahin sa tono ng pambungad na kanta ng palabas na Batibot.

Ganyan ang sitwasyon namin dito sa bahay ng nanay ko. Tatlong araw na kaming ganyan.
Hindi niya mabitawan ang Gameboy dahil kay Dr. Mario. Pilit niyang tinatalo ang record ko dahil level 19 na ako at siya, hindi ko alam dahil hindi ko siya makausap dahil busy siyang maglaro. Multi-tasking pa yan, naglalaro habang naguutos, nagalalaro habang naninigarilyo, naglalaro habang nakikipagusap, naglalaro habang naghihintay mainin ang sinaing. Mangilan ngilan na rin ang naging saksi sa mga ganitong pangyayari.

Noong Sabado, dumating si Toni dito dahil tutulungan ko siya sa gagawin niya. Nung gabi, busy na talaga siya maglaro at siyemrpre ok lang dahil first time siya makita ni Toni, baka naglilibang lang. Pagdating ng umaga, dumating ang isa pang saksi, si Ate Cel. Dumating siya sa bahay at nakita ang nanay ko na nakaupo sa sahig sa gitna ng sala habang naggameboy. Hindi siya pinapansin dahil busy yung nanay ko maglaro. Nasa taas kaming tatlo nila Ate Cel at Toni habang siya ay nasa baba at patuloy pa rin ang pagpapakadalubhasa sa gameboy. Maya maya lamang ay may nakita akong papel na matagal na niyang pinapahanap sa akin, kinuha ko ito upang ibigay sa kanya at siya na ang magtago.
Ako: Ma, eto na ung flowchart ko. Tago mo baka mawala ko.
Siya: Oo, lagay mo diyan. (Nang hindi inaalis ang paningin sa gameboy)
Ako: Tignan mo kasi kung san ko ilalagay para alam mo.
Siya: Oo alam ko na yan!
At tinaas ko ang puting bandera, I GIVE UP.
Hindi talaga siya maawat sa paglalaro.

Pagkakain namin ng tanghalian ay nagpaalam akong umalis kasama ni Toni upang sumama sa ensayo ng kanyang banda. Nagpapaalam ako habang siya ay naggameboy at naninigarilyo. Halos lahat ng sinagot niya sa akin ay "Hmm...", "Teka lang...", at ang pinakamalupit nung sabi ko "Thank you"

"Ayan, namatay tuloy!"

Pinayagan naman niya ako, kaya walang problema. : )

Habang hinihintay ako ni Toni maligo bago umalis ay narinig ko pa silang naguusap.
Toni: Tita, busyng busy po kayo kagabi pa a.
Memi: Oo nga e... (medyo blurry na yung sagot niya)
Toni: Hahahaha!
Memi: Pagdating nga ng daddy niya (ko) tuturuan ko yun, matatalo ko yun kasi color blind yun, e mga kulay kulay to.
Toni: Hahahahahahaha!

Nagbabalak pa pala siyang asarin ang tatay ko, ang kanyang unang step sa world domination.

Nung pauwi na kami, akala ko tapos na ang lahat. Tinext niya ako na dalhan siya ng pagkain dahil tinatamad na siyang magluto. Siyempre, binilhan ko siya. Tinext ko siya na pauwi na ako at ito ang sinagot:

"Low bat na gameboy. Uwe ka na"

Grabe, iba na 'to sabi ko sa sarili ko. Sumusuko lang siya pag ang gameboy e nagmura na at nagpakamatay na sa harap niya. Hindi siya tumitigil pag pumupula na ang ilaw, wala sa kanya yun.
Pagdating ko sa bahay, yun ang inutos niya.

"Rai, charge mo nga. Maglalaro ako."

Katabi niya yung gameboy hanggang pagtulog. Kaya sa susunod na araw, bumalik sa itaas at kantahin ang kanyang opening song. At ulitin ang lahat.
Previous post Next post
Up