Apr 01, 2006 17:22
antagal ko nang di nagsusulat dito ah nakakamiss nagtataka ka siguro kung bakit walang period o comma tong binabasa mo mahirap pero parang ang saya diba ang bilis mo magbasa kasi hindi mo alam kung kelan hihinto o kung hihinto ko pa ba bago huminga nasasayo na un pero kung susunod ka lang sa nakikita ng mata mo e hindi ka talaga hihinto at magpapadala sa mga salitang tila hinahatak ka minsan paiikutin ka pero kadalasan e dinadala ka nito sa lugar na hindi mo alam na di mo maintindihan pero naintindihan mo malabo pero masaya ganyan ang nangyayari ngayon mabilis at hindi mo alam kung saan at kelan ka hihinto sumama ka nalang sa mga alon dahil tiyak na may isang dalampasigan na hahatak sayo at magsasabing dito ka nababagay at dito ka dapat manatili at dun mo lang makikita ang tuldok na iyong hinahanap.
nakakapagod ba?