Apr 01, 2006 06:04
ito ang isa sa mga panahong nakikipagpustahan ako sa diyos, para lang mabigyan niya ako ng kahit konti pang lakas, kahit na marami na siyang naibigay sa akin, at kahit na di naman ako karapt-dapat.
ito ang isa sa mga panahong nalalagutan na ako ng hininga, at wala na akong nagagawa kundi sumigaw sa kalawakan, at gumapang, at lumuhod sa kanyang mga paa, sapagkat siya lang naman ang tangi kong pag-asa.
isa ito sa mga panahong ang naiisip ko na lang hilingin at naisin sa kanya ay makahinga. naiintindihan ko ang mga plano niya sa akin, madali lang naman intindihin iyon, madali lang isipin, pero sa mga panahong ganito, minsan gusto ko nang magtanong.