Jun 26, 2008 01:37
Kapag mayaman na ako...
Kakain pa rin ako ng street foods sa sidewalks kahit na meron akong super galing na cook sa bahay. Hindi pa rin kasi niya mapapantayan ang luto nila mamang fishball, aleng tukneneng, at kuya isaw.
As much as possible isasama ko ang aking driver sa mga lakad ko. Ayaw ko yung iniiwan lang sila sa waiting area para mapanis. Kung hindi naman maari ay bibigyan ko na lang siya ng pera pangnood ng sine at pang Time Zone... pwede rin niya i-date si Inday sa Starbucks.
Magko-commute pa rin ako once in a while.
Jollibee spaghetti pa rin ang favorite kong "pasta"
Bibili ako ng condo sa Makati, dapat yung may mga malapit na Jollijeep.
Sorry sa Optical Media Board pero bibili pa rin ako ng pirated stuff. Mas maganda kasi ang collection nila kesa sa mga shops sa malls. Madalas ay may mga rare movies pa sila. Pero pag gawang Pinoy, gaya ng OPM at local movies, ay original ang bibilhin ko.
Manonood pa rin ako ng mga Pinoy movies sa sinehan kasama yung mga cheesy movies ng Star Cinema with it's cheesy lines. ("You had me at my best; she loved me at my worst, but you chose to break my heart" - One More Chance) ("Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako, o kailangan mo ako dahil mahal mo ako?" - Milan)
Hindi pa rin ako bibili ng Havaianas