Jul 25, 2007 16:13
Ayaw ko talaga ng interview. Kaya nung Friday, nang biglang sinabi ng sup ko na may interview daw ako, ay halos tumalon na yung puso ko. Naghahanap kasi ng mga officer in charge ang account namin at isa ako sa mga ni-recommend. Syempre hindi ako prepared, at wala talaga akong alam na isagot kung tungkol sa mga management chuva ang mga tanong. But wait there's more! Panel interview daw... anak ng sopas!
Ang naalala ko na lang pumasok ako sa room.Nakita kong apat sila na nasa loob, tapos umupo ako. Tapos blanko na. Wala na akong maalala sa mga tanong at sa mga sinabi ko. Nang bumalik ang isip ko, nasa labas na uli ako. Hiniling ko na lang na sana ay hindi kahiya-hiya ang mga sinabi ko.
Pagdating ng Lunes tinawag uli ako ng sup ko at may pinakita sa aking email. Natulala ako sa nakita ko. Mantakin mo, pasado daw ako. Starting next month, OIC na ako. Bale pang supervisor/manager na ang trabaho ko... di pa rin ako makapaniwala. Magkakaroon ako ng sarili kong team, at kung maging ok ang lahat ay hihirangin nila akong Operation Supervisor. Shet, todo na 'to.
Di ko pa rin talaga alam kung anong mga sinagot ko at nagustuhan nila. Pero pinakita na rin sa akin ng sup ko ang mga feedback ng panel dun sa email... kung baga, mga bagay na pwede kong ma-improve. Ang unang weakness ko daw ay experience, na syempre given na, pero yung sumunod na weakness natawa ako. Overconfident pa daw ako! Biruin mo yun! Amp!