Hmm...

Apr 28, 2007 11:17

Well, this will be a tagalog post so yeah... w00t. Translation will prolly follow when asked for :p lmao.

So yun, alam mo, bago ka magisip, magreact, magsalita, o gumawa ng kahit na anong aksyon patungo sa ibang tao, humarap ka muna sa salamin, tignan ang iyong sarili, at pagisipang mabuti kung ikaw ay napakalinis o napakabuting tao. Sa tingin mo ba eh hindi ka pa nagkakasala, nakakasakit, o kung ano man laban sa ibang tao? Sa tingin ko lang eh... (at sa pagkakaalam ko) ay nagawa mo nang lahat yun, sus, tao ka e. So, bago ka manghusga, isip-isip muna. Sa tingin mo ba eh ang lahat ng mga nangyari ay planado o sina-sadya? Malamang hindi.

So bakit ako kailangang mag-react kung bale wala lang sa akin ang mga nangyayari o ang mga nangyari? Well, gusto ko lang malaman mo, na ayoko ng kahit anong koneksyon mula sa inyo. In short, completely remove me from the circle, regardless if im already outside of it. Treat me as a nobody, di nyo ako kilala, at mas lalong hindi ko kayo kilala. Kaya tigilan mo na kung ano man ang mga gusto mong iparating, dahil wala na namang mangyayari, nagaaksaya ka lang ng panahon, problemahin mo nalang ang mga sarili mong problema, wag mo na akong idamay pa. Hindi naman mahirap gawin un diba? Hmmm? I know you're mature enough.

Also, tama nga ang sabi ng isang kakilala ko, wala na kayong pakielam kung ano man ang nangyari, dahil wala kayong kinalaman dun, walang nakikielam sa isang side, edi mas lalong dapat walang makielam sa other side. Kung sya nga mismo eh wala nang ginagawa, ano pang karapatan mong gumalaw?

Aww, anong gagawin mo ngayon? Magre-react ka nanaman? Magsusumbong? "Inaaway ako~ huhuhu" Oh come on! Go ahead, I dont care.

Oh, and siguraduhin mo muna na ikaw ang sinasabihan ko, bago ka magreact. hahaha. Alam ko namang maraming ibang mahilig mag react kahit di naman sila ang kinakausap ko. Hahahahaha.
Previous post Next post
Up