dati

Nov 06, 2009 17:44

dati, nagtataka ako bakit sila humihingi ng space kapag nasasaktan.
ginagawa ko pang biro ito at sinasabi na, "maluwag naman".
naintindihan ko lang siya noong ako na ang nangailangan nito.
tama pala sila. kailangan natin ng space.
anong space? space ung tipong ikaw at ang sarili mo lang.
kasi kahit na alam mong may tao sa paligid mo, handang tumulung sa iyo,
kailangan mong ikondisyon ang sarili mo na ikaw mismo, kailangan mong tulungan ang sarili mo.

dati, pilit kong kinokontra si sir dekki sa sinabi niya.
'mahirap magpakabait sa isang lipunan na hindi naman mabait. ang ako mismo ay indibidwalismo'sabi ko, sisimulan mo nga sa sarili mo e, hanggang sa makaapekto ka sa ibang tao. at marami pang mga satsat na kumukontra sa kanya. pero naisip ko, may punto nga siya.
tulad sa klase namin. halos lahat, walang pakealam, parang walang gana magaral, kaya imbes na sipagin ka, tinatamad ka narin. kahit anong gusto mo, hinahatak ka parin ng mga tao sa paligid mo.

siguro sa ngayon, kinokontra na ng iba ang sinasabi ko.
pero madali mag salita, kapag nandyan ka na, mahirap na rin gawin. pilit mong sasabihin na hindi ka nagpapaapekto, pero di mo napapansin, nagiging tulad ka narin nila.

life

Previous post Next post
Up