Okay na sana ako

Feb 12, 2016 20:34

Gusto ko sanang sabihing okay na ko, na di na kita naiisip kapag naglalakad o nagmamaneho ako ng mag isa, na wala nang halaga sa kin ang nakaraan, na wala na akong nararamdaman sayo, na di kita namimiss, na di na ako umiiyak dahil sa iyo, na naniniwala na ako na tapos na tayo, na di na masama loob ko dahil nabali lang ang lahat ng mga pangako at pangarap natin, na wala na akong pakialam...

Pero sinong ginagago ko? Gusto ko na talaga mag move on. Di naman sa hirap. More of sawa na ko sa bigat nito. *buntong hininga*
Previous post Next post
Up