May 05, 2007 00:30
pa-kwento lang...
nakwento ko na na nagtuturo ako ng gitara sa bata, right? yung studyante ko... umiyak sya kanina. kasi hindi nya ma-gets yung strumming ng "gemini" haha. weird. natakot tuloy ako. baka magsumbong yun sa mommy nya. actually, second time na nangyari 'to. yung first time, tinuruan ko sya magbasa ng tabs. inaaral namin yung intro ng "klsp". 7 notes lang yun na paulit-ulit, kaso hindi nya na-gegets kagad. and naiinis pa sya pag patay yung sound ng nagpluck nya. haha. sabi ok lang kasi beginner pa lang sya. then tinuro ko yung "h" dun sa tabs. so sabi ko i-try nya yung pag-hammer...tapos napansin ko... teary eyed na. tapos tumutulo na yung luha nya sa guitar while naglelead haha. scary! pero ok na naman. gets nya na the next session. mabagal lang ng konti. nagppractice siguro yun sa bahay haha.
tapos eto pa ka-weirduhan... hindi nya kasi mashado abot pag kelangan mag-bar sa chord. eh yung isang song may f#m... so usually patay yung sound sa kanya. ayun naiinis na naman! panay "eee!" yung sinasabi. hahaha. tapos every finger na ipo-position nya sa fingerboard may sound effects pa sya. "yah!" hahaha. 11 years old na yun ah. nung tinuruan ako nung kuya ko mag gitara nun 10 ako, hindi naman ako umiiyak at hindi yin ako nag ya-"yah!!". hahaha. ewan ko ba sa mga bata ngayon. masyadong pa-emo.
ayoko talaga maging teacher. (syeeemmpreeeeee! HAHAHA.)
sinundo na naman pala sya nung kuya nya. nagstay pa sa bahay kasi wala yung parents and kuya ko. haha style amp. kung ano ano pa tinatanong sakin. haha -- getting to know the hot teacher!! hahaha joke :) swerte nya gwapo sya. sana lang walang hidden kaweirduhan yun. HAHAHA.
come a little closer flicker inflatable monkey.