Aug 05, 2005 03:59
hindi ko alam kung bakit ngunit para bagang nagkakaroon ako ng kagustuhan ngayong mga panahong ito na magsulat ng mga tula, nais ko sanang ibahagi ito sa mga taong nakababasa sa pahinang ito. nawa'y magtagpo sa atin ang lubos na kagandahan ng meron.
1. Pakikipagtagpo sa Meron
.
?
!
2. Ang Paghihirap ng Isang Tao
o kay ganda at kay lubos ng meron
ngunit bakit hindi ko kayang abutin at isaakin ang meron?
ako ba'y inilalang sa mundo na ganito lamang?
na hindi kayang angkinin ang meron
ako ba'y isang tagapagmasid lamang?
ng isang mundong hitik sa kagandahan
na hindi ko kahit kailan maaabot
ako ba'y tagapanatili lamang?
ng walang hanggang pagmasid sa kagandahan
ako ba'y isang tao lamang?
na hindi kahit kailan maaabot ang meron
3. Ang Silbi ng Tao sa Meron
ako
ay isang tao
tagapagbigkas ng meron
ngunit ito lamang
ang aking
kayang gawin