Aug 02, 2005 05:41
marahil tama si padre ferriols nang sinabi niya na "danasin mo" sapagkat hindi lubos ang buhay ng isang tao kung nabubuhay lamang siya sa mundo ng puro bungang-isip, maraming hindi maisasakonsepto at nabubuhay lamang sa pagdanas at paggawa.
maaari kong masabi na sa ganitong pamamaraan naging lubos ang aking pamumuhay at pagpapakatao, at dito lamang nagkaroon ng saya at ng ganap na "kahulugan" ang aking pag-iral bilang isang tao.
masasabi ko na marahil ito ang tamang panahon upang pasalamatan ang mga taong siyang lubusang nagbigay kahulugan sa aking buhay, unang una kay padre ferriols na siyang nagsilbing gabay sa aking pag-unlad sa pagiging lubos na tao at pati na rin sa aking mga kaibigan na siyang nagpalubos sa aking buhay-tao (hindi ko sila papangalanan ngunit marhil alam nila hung sino sila)...
masaya ang buhay...
sana ay makita niyo rin ito...
sana'y maranasan ninyo ito...
maraming salamat...
naway maging lubos ang ating mga buhay-tao