para sa mga nangangailangan (Ph 117)-descartes

Jul 30, 2005 11:28


ngayong malapit na ang mahabang pagsusulit sa aming kurso sa modernong pilosopiya, marahil nais ng aking mga kaibigan na makakita ng maikling balangkas ng kaisipan ukol kay descartes. napag-isipan ko ito habang nagmumuni-muni dito sa aking kinauupuan at marahil ay maktulong ito sa aking mga kaibigang nagbabasa dito.

-wala akong lubos na katiyakan na makararating ako sa mga bagay na totoong totoo (umiiral man o hindi) sa mundong nasa labas ng aking sarili, ang aking katiyakan ay nananatili lamang sa loob ng aking kaisipan (at sarili) na kung saan maliit o halos wala akong pagkakataong magkakamali.

-mayroong pamamaraan (metodo) na kung saan makararating ako sa mga bagay na tiyak at totoong totoo, at ito ang ipinapakita sa atin ni descartes sa kaniyang librong meditations.

***hindi ako lubos na tiyak sa aking maikling balangkas ngunit halos parang ganito ang ninanais sabihin ni descartes, nawa'y maktulong ito sa mga nais makaintindi sa kaniya
Previous post Next post
Up