Long time no see

Oct 05, 2006 14:17

Ang pagbabalik ni Jacq.

Natuwa naman ako ng malaman ko na bibisita raw ang aking kaibigan na halos apat na taon ko nang hindi nakikita. Medyo matagal ko na rin syang laging nakakausap sa Yahoo! Messenger. Ang kanyang pamilya ay nasa Korea dahil ang kanyang ama ay nagtatrabaho roon. Kinailangan lang nya bumisita sa kanyang lolang may malubha nang karamdaman, at may taning na ang buhay. Dumating sya ng kamaynilaan noong ika-22 ng Septyembre, at agad naman nya akong tinext na nakarating na sya.



09-26-2006. Nagkita lang kami apat na araw na ang nakaraan nun. At hayun, nagtrip kami around SM Megamall. hahaha. Nagkayayaan kami kumain ng KFC, para testingin ang Extreme HotShots na hindi naman pala ganun ka-anghang.


Pagkaraan namin mag- Megamall, bangag akong sumama sa kanila sa bagong computer shop ni tintin sa may pasig. Sobrang pagod na ako noon, dahil galing pa ako ng opisina. Alas-nuwebe na ako ng gabi nakauwi at may pasok pa ako kinabukasan...

10-2-2006. Noong huling Lunes naman, sinamahan ko si Jacq sa DFA para magparenew ng passport. Nagkita kami ng umaga sa MRT-Taft station. Sumakay kami ng jeep patungong DFA at naglakad lamang ng kaunti. Marami akong natutunan noong araw na iyon tungkol sa pag-aapply ng passport, na tinuro ni Jacq sa akin. Kinakailangan na kasi bumalik ni Jacq sa Biyernes, kung hindi ay mawawalan sya ng trabaho pag balik nya. Naiintindihan ko kung gaano sya nahirapan kumuha ng disenteng trabaho doon sa Korea dahil sa diskriminasyon. At araw-araw kong ka-kwentuhan sya tungkol dun noong naroroon pa sya.

FIRST TIME kong nakapasok sa loob ng DFA. Hindi kami pumila sa normal na pilahan ng renewal doon dahil... basta (hindi dahil sa fixer ha!) Lahat ng watawat ng iba't ibang bansa ay naroroon. At tumulak kami sa tanggapan ng tagapangasiwa. Sinabihan sya na bumalik ng Huwebes.

Pagkaraan naming magpunta ng DFA, nagkayayaan kami sa SM Mall of Asia. Unang beses ko pa lang makaka-yapak roon (biruin mo, 2 bagong lugar sa 1 araw.) At nilibre pa nya ako sa Jollibee (nakakahiya hahaha! Pero salamat Jacq.) Nag-ikot-ikot kami doon, naghahanap ng damit. Naghahanap sya ng sweater, ako naman isang pink na damit (Pink? ano ka bading?). Hindi po ako bading. Kalimitan kasi kapag may activity yung Youth Ministry namin sa simbahan, pink yung favorite na kulay (e di lahat sila bading?) HINDI! Aw shaddap! :yuck:

Nung matapos ang mahabang paglalakad namin, ako naman nanlibre ng fruit salad in coconut shell sa Frutas ni... *nakalimutan ko* (parang ganun).

Mamimiss ko to pag alis nito bukas.
Previous post Next post
Up