May 05, 2006 01:35
Kahapon, tumambay ako sa tabi ng fountain sa building ng Makati Stock Exchange (Ayala, Makati) habang hinihintay ko matapos si Tere matapos ang kanyang interview sa Security Bank.
Napaisip ako.
Naroon ako, naghihintay sa kaibigan ko na magkakaroon na ng trabaho. Ako naman ay nandito pa rin, nakatunganga. Bummmm... At nagsisimula na akong magtampo kay Lord. Tinanong ko sya,
"Bakit ganito ang nangyayari sa kin? Nakatapos nyo na ako ng college; nagpapaka-aktibo na ako sa simbahan; at gumagawa naman ako ng mabubuting gawa. Pero ano pa po ba ang dapat kong matutunan? Wala pa rin akong trabaho..."
Ilang linggo na kasi akong naghihintay ng tawag mula sa mga na-applyan ko. Pati yung huling opisina na inapplyan ko wala pa ring balita. Naiinip na ako at nawawalan na ko ng loob.
Ilang oras ang nakaraan pagkatapos noon, biglang nagtext sa kin si Tere, "I'll be down der in 10min."
Kaya naglakad na ako pabalik sa bangko. Habang naglalakad ako, may nagtext ulit."Hi alvin this is ********. There is a delay in the construction [of the office]. I will call you by next week. You are still hired. Speak to you soon.
Sorry po talaga Lord sa pagdududa ko...