Jan 08, 2007 21:43
I've changed my number for only barely a month and I can't believe I'm actually enjoying it. hehe Okay, okay, I give up. Aaminin ko na, masaya na ako that I'm one of you guys. (yeah, they actually had that tagline "Are you one of us?" sometime ago) This thing has kept me in touch with my friends and along the way, hindi maiiwasang magkaroon ng mga revelation na nakakagulat at nakakatuwa!
Presenting, G1 and G2!
Pinatulan ng isa kong kaibigan ang corny forward ko sa kanya. Itago na lang natin siya sa initial ng G.
G1 (ako): ...teka, nakakahalata nako a, parang gumaganti ka na ha. Ikaw talaga, bad ang gumaganti, ikaw pa naman ang tatay dapat ikaw ang magset ng example.
G2: ....Lumalabas lang ang pangil ko kapag may mga kailangan kagatin.
(hala, may kaibigan pala akong may natatatagong lihim! :O) Katakot, tapos nung nagttext pa naman kami, bilog ang buwan!!!! (sorry, some parts of the conversation was omitted. Yung iba kasi hindi ko na maalala at yung iba, well, para hindi mareveal kung sinong friend yan.)
The Mumoo Invite...Ang aming HS kabarkada ay nang-imbita sa kanyang birthday treat na gagawin daw ng 12mn.
G: Kamusta naman ang oras ng treat niya, 12mn! No way no, sobrang late na yun!
J: Oo nga, ewan ko ba sa kanya parang pang-mumoo ang invite! Kasi naman ang breakfast kinakain pagising, e 12 kahit ang mga taong nagttrabaho sa call center hindi yun breakfast, lunch yun at ang mga mumoo lang ang gumigising ng ganung oras kaya mga mumoo yata ang mga iniimbita niya!
At ngayon, mas marami pang nakakalokang rebelasyon mula sa aking mga kaibigan! :O Grabe, ewan ko ba sa kanila. Basta, salamat muli sayo sa pakikinig. hehe Ikaw na naman ang naging substitute ko sa aking lj (kasi naman binlock pa sa office, salamat unlimitxt at nandyan ka), shempre sayo din. Sa taong nagtext nito: "Ganun talaga, all's fair in love and war, hindi mo naman pinipili kung kanino ka maiinlove, mga kaibigan ko din ganyan, saksakan ng panget yung mga bf luv na luv pa rin nila kahit isip bata o ang sama ng ugali, yung tipong iniisip mo na parang wala ng ibang lalaki or babae dyan kung mahalin nila yung mga karir nila, haaaay kakapagod lang.", maraming, maraming salamat. Like what I said, I owe you and I can't thank you enough for always being there. (kahit gano ako kakulit at kababaw).