Apr 27, 2006 14:20
Sobrang sakit ng mga paa ko ngayon! Waaaahhh!! That is because me and my friendships went to Makati yesterday and went building hopping-well, it was more like floor hopping! haha We were in formal attire so no choice but to wear heels. Eh alam niyo naman sa Makati, some kinda walk-a-thon dun at may mga underpass(es) pa na sira ang mga escalators! Ang galing! Masakit na ang paa mo, magbblister pa! Oh noh...Ang pangit na, masakit pa. Hay...To top it all, wala ka pa rin trabaho... Niloloko nga ako ng nanay ko pagdating ko eh. Sabi niya "O, ang hirap maghanap ng tabaho noh?!" Sabi ko nga eh..It's not that I'm super atat and excited to get a job kasi honestly, parang gusto ko na na ayaw pa, gets? Magegets niyo rin kapag naggraduate na kayo..Pero ganun naman talaga, darating din yan. Nakakatakot lang na baka maubusan ka, but come to think of it, marami naman talagang job openings, mapili lang nga siguro kami..heehee....
Dahil we can barely walk after a long day, hindi ko na kinaya pang makauwi agad. Kung nag-mrt ako, lalong iiyak ang mga paa ko sa haba at taas na dapat lakarin so nanood muna kami ng movie para makapahinga sana ang aming mga paa. Pero naman, hindi relaxing ang pelikula! Nangalay pa ako sa movie at pina-isip niya. Weird..Ang labo ng ending. Siguro, I would have understood the movie better kung naglalaro ako nun. Pero yung friend namin na naglalaro nun hindi rin mashado nagets eh so I guess yung movie talga ang malabo! haha Shet na mga scary movie yan talaga. Bakit ba naman kasi iyan pa ang nauuso lately, tuloy half the time nakatakip ang mga mata ko dahil ayoko magstick sa utak ko ang itchura ng mga creepy, scary at gory scenes/ characters. Nakakatakot makita kapag pumikit ang mga mata ko...