I did a lot yesterday. We (me, Gino, Kim and mama) went to divisoria so early in the morning to buy the last installment of our sst giveaway. Super traffic (as expected). Then we went to school to put the towels in the bayong. We weren't able to finish everything but less than a hundred was left unpacked :D
Thanks a bunch to all who helped. Mabilis natapos kasi maraming tumulong. Maraming, maraming salamat kina Kim, Ino,
Jose, Raph,
Jamie, Pao, Joan, Cuads,
Alen,
Ailen, at Ate Alma! Natutuwa ako dahil konti na lang ang natitira at maraming tumulong kahapon. At masaya din ako dahil nagustuhan ni Ate Alma ang giveaway..hmmm...at least may feedback ako kahit isang opinyon lang siya. Nakakataba ng puso dahil talagang pinaghirapan namin ni Gino bilhin at pag-isipan ang giveaway na iyon. Shempre kasama sa naghirap dun ang mama ko na kasama din namin sa lahat ng trips sa divi at siya rin ang nagdesign ng lahat ng bayong at nakikipagusapa sa binilhan namin ng twalya! Salamat ma..:D Pagkatapos maisaayos ang lahat ng mga twalya at bayong (at ang mga card na kasama nun), isa na lang ang mahihiling ko, na sana maging maayos, maganda at matagumpay ang sst night. Ito ang araw na pinaghahandaan nating lahat. Ang araw na pinakahihintay ng mga non-teaching staff at shempre, pati tayo. Sana wala gaanong maging problema.
Dance practice after that packing session. By this time, sobrang pagod nako pero sayaw pa rin! hehe Kinaya pa naman ng powers ko at buti na lang nagets ko pa ang mga bagong steps. Masaya naman kasi. Hindi mo mararamdaman agad ang pagod unless you stop. Sana lang hindi kami magkamali sa araw ng sst! Hahaha
Konting pahinga sa bahay pagkatapos sa school dahil sa debut naman ni
Ginie kami nagpunta nung gabi! Ganda ng gown ni Ginie at masarap ang food! Shempre walang tatalo sa "winning moment" ng aming kasamang pasaway. Haha Oo nga naman, maong, collared shirt at jacket ang definition niya ng semi-fomal, why not?! Eh si
Migs yun eh, dakilang pasaway naman yun kahit saan, di ba!?
Whew! napakaraming ginawa at pinuntahan kahapon pero masaya naman. :D