Oct 20, 2005 21:45
May mga araw na pakiramdam mo na hindi umaaayon ang mundo sa mga ninanais mo. Parang pinahihirapan ka na lang parati. Sa mga sitwasyong ganito, parang wala ka nang natitirang lakas para lumaban at gugustuhin mo na lang sumuko at umiyak. Kung pwede lang sana. Pero maiiisip mo rin na walang mararating ang pag-iyak at pagsuko mo dahil sa bandang huli, ikaw pa rin naman ang gagawa at magpapatuloy sa mga gawain mo dahil walang ibang gagawa nun para sa iyo. Hay...nakakapagod talaga...