1st Bday

Sep 07, 2021 16:10


Life begins at 40.. masyado na palasak yan, kaya one year after that, saka ko naisipan gumawa ng update ☕️

nakapag vaccine nako, AstraZenica, hopefully meron na din sa mga bata, sobrang nakaka awa sila sa stress nang hindi paglabas, hindi makagala, at puro gadget na lang ang lagi ang kaharap..

to my self, 20 years ago, kung mababasa mo ito, makinig kang mabuti...
--madami ka makikilala na bagong tao lalo at magkaka trabaho ka na, hindi inaasahan pero tama si Janette, dapat kumuha ka ng load sa Educ kasi magiging GURO ka! makakapag CPTE ka naman, papasa ka sa exam at magiging LPT ka (hanapin mo na lang kung ano ibig sabihin ng mga yan 😂)
--hindi matutupad ang pangarap mo makapag asawa sa edad na gusto mo, basta maniwala ka, papalagpasin mo ang pagkakataon kasi masyado ka mabait, ipapa ubaya mo ang kasiyahan mo kasi martyr ka 😅✌️ makakapag asawa ka pa din naman, at hindi ka nya iiwan 🥰
--kung ano man ang pantasya mo, hindi yan matutupad, inabot ka ng 40years at walang nangyari, iuupdate kita after 20 years, pero palagay ko hindi mo na talaga magagawa yun, at alam ko naman na maiintindihan mo kung bakit 👍
--madaming beses ka pa daranas ng muntikang kamatayan, pero malalagpasan mo naman lahat yan, buhay pa naman ako 😇
--mahihilig ka sa ☕️, tataba ka pa wag ka mag alala, magkaka problema ka nga lang sa bituka, atay at bato, kaya lagi ka uminom ng tubig (pero wag mo na uulitin yung sa DMST at sa Palma Hall 🙏)
--may mga tao kang iiwan, hindi mo yun maiiwasan, kahit gaano pang pag-unawa ang gawin mo sa mga pangyayari. at darating din ang pagkakataon na ikaw ay iiwan din nila, unawain mo na lang, ganun talaga ang buhay.
--mag invest ka sa BitCoin, ubusin mo ang unang taon mo na sweldo sa pagbili nito 🤓
--alam kong alam mo na ito, pero hindi kahinaan ang pagpapaubaya at pag-unawa sa iba.. wag ka magbago dahil nagbago sila, lagi mo itong tatandaan.

madaming beses ka magkakamali, kasama dyan ang walang katapusang pagsisisi at panghihinayang, hindi araw-araw pasko, pero matiyaga ka naman, magbubunga din ang mga sakripisyo mo, wag ka mainip, darating ang para syo, mararamdaman mo yan..
Previous post Next post
Up