SCUFAR3

Oct 28, 2006 01:02

5:30am, Tuesday, October 25 '06, assembly time para sa mga sasali sa SCUFAR3 (State Colleges and Universities Faculty Association Region 3) parang intrams yun para sa mga faculty and staff ng iba't-ibang state universities and colleges sa region 3. host ang PAC (Pampanga Agricultural College) halos nasa paanan na ng Mt.Arayat.

dahil pilipino time, 6am ako dumating dun (kasi pinipilit kong tumae, sa kasamaang palad walang lumabas... BADTRIP talaga kapag hindi ako nakakatae sa umaga!) as expected mas madami pang late kesa sakin (kailangan pa ba imemorize yan?) Victory bus ang ni-rent ng school, pero dahil hindi kakasya yung ganun kadami na sasali, yung iba nauna na nakasakay sa motor (naks, riders! hehehe) yung iba naman nagdala ng van at sasakyan kasi pagkatapos ng SCUFAR3 (Oct 25-27), didiretso na silang Baguio.

kasama sa department namin si Albert, Russell, Sir G, Sir Mel. madami din ako kakilala sa NAPA kasi karamihan sa kanila classmate ko sa CPTE (at pinag-uusapan namin yung isang teacher namin kung anong ibibigay na grade sa amin kasi nagka-isa kami na mga taga BSU na wag magpasa ng project, mga pasaway talaga kami. hehehe!)

Table Tennis po ang sinalihan ko na event, kasi bukod sa Basketball, dito lang ako may konting ibubuga. dala ko yung raketa ko na dinikit ng rugby, kasi luma na at napakahina na ng kapit (ginagamit ko pa to nung HS ako!)

sa bus binigay yung allowance na P500 (per day ang bigay, kasi kapag binuo nila, tulad ko baka umuwi nako agad) saka T-Shirt pang laro namin. tapos nito, medyo matagal na intayan pa... at natuloy din kami umalis.

normal lang ang biyahe, walang ganong trapik. nakakita kami ng malaking bahag-hari (rainbow) sa express way, at lahat kami parang mga bata na napatunganga... (ewan ko ba, nakakatuwa talaga tignan ang bahag-hari...)

pagdating namin dun, malapit na sa paanan ng bundok ng Mt.Arayat, umaambon pang konti. mahabang lakaran kasi malayo yung quarters na nabigay samin. magkakalayo yung 14 schools, kaya kung iisipin nyong mabuti... napakalaki ng PAC! shet, biglang lumiit ang tingin ko sa BSU... mas malaki pa yata to sa UP diliman???

ang una hinanap ng lahat eh yung kwarto na malapit sa banyo, pero napilitan kaming lumipat sa 2nd floor kasi kahoy ang sahig sa itaas, malamig kasi kung sa semento kami matutulog. ang malas lang namin kasi walang pinto yung mga cubicle sa mga banyo ng lalaki!

may opening ceremonies kaya sinuot na namin yung damit namin, kaso pagkatapos ng mahabang lakaran papunta sa field, biglang sumikat ang araw. at syempre pagdating sa grandstand madami ang umalis sa pwesto (pero tinapos ko naman yung lupang hinirang saka invocation)

26 pa ang schedule ng table tennis. 8am. kaya wala akong ginawa maghapon kundi makinuod ng mga events at kumain... at ikondisyon ang sarili ko na kailangan ko tumae. dahil walang pinto ang cubicle, naglakas loob na lang ako na isarado yung pinto ng CR. naupo sa trono at nagconcentrate... (bwahaha!) tapos may lalaki na pumasok, at nakita nya akong nakaupo sa trono ko, nahiya sya at lumabas..

habang kumakain kami ng lunch, may nadinig kami na nagsasabi na ang latest version daw ng encyclopedia ay 2007, pero dahil ayaw padaig ng kausap nya, meron na daw 2010!!! talaga naman, muntik na akong mahulog sa silya ko kakapigil sa pagtawa...

bandang hapon, may nakita ako nung bata ko pa huling nakita... aso na nakasako at pinupukpok para gawing pulutan... nakaka-awa talaga. dapat kasi naka-tali yung aso at matamaan sa buto sa ilong, para hindi na sya makahinga. ang mahirap sa nakasako, tulad nung nakita ko, hindi mo alam kung natatamaan mo ng sakto yung sintido nung aso, kaya umaalingawngaw yung hiyaw nung aso kasi hindi sya ganun kadali namatay sa mga malalakas na palo nung lalaki.. naawa talaga ako... umalis na lang ako dun, baka bangungutin ako...

lahat ng laban pagdating ng gabi ay nauwi sa inuman. hindi ako umorder ng kilawin na aso, kasi hindi ko na kaya kumain ng aso (makakain ko sana yung kung hindi ko nadinig kung pano sya naghirap) naliligo kami ng madaling araw, pampaalis ng amats at para walang makasabay sa umaga.

walang nangyari sa laro namin ng 26, kasi masyado matagal inabot yung mga laro ng singles men and women. sumali na lang ako sa mens doubles, arman ang name ng kakampi ko, isa sya sa mga riders. hehehe.

kain ulit, inuman, ligo, toothbrush, tulog, gising, mumog, hilamos, kain, toothbrush, bihis...

last day na, lalaban na talaga kami. yung naka-praktis ko na mga varsity ng PAC, kasali pala sila sa event. kaso yung kakampi ko nung lumaban ako, college varsity (yung kakampi ko college varsity, yung kalaban pala namin yung kasali sa mens doubles nila, sa practice natalo kami, nanalo, natalo, nanalo, sa deciding game nanalo kami!!!) si arman na kakampi ko taga BSU, hindi pa kami nakapagpraktis ng kaming dalawa yung magkakampi.. yung nagchampion sa mens singles, Tapang yung apelido, taga-NEUST (Nueva Ecija University of Science and Technology) isa syang HALIMAW! langya, ang galing lumaro, ganda ng footwork, ang lalim ng spin, peste wala yatang kahinaan yun... kasali din sya sa doubles, kakampi nya yung coach ata nila. kaso yung tumalo sa kanila, BPSC (Bataan Polytechnic State College) ang naging champion laban sa ASCOT, na tumalo samin. gets nyo ba? to make it short, 3RD kami..

champion naman sa men's basketball, 2nd sa men's volleyball, 2nd women's table tennis (once lang sila lumaban, 2nd na, galing noh?) mga lunch time natapos lahat ng events, overall champion ang CLSU, overall 1st runner up ang NEUST, overall 2nd runner up ang BSU. kaya naman nagtalo kami sa KIA van kasi dapat hindi "overall" ang ginamit na word kundi "overall standing". nauna yung sinakyan namin na Kia na van kesa sa Victory na bus, balak ko kasi magpunta ng BU kaya hindi nako sumakay sa bus. kaso yung teacher na imi-meet ko lumuwas pala. kaya sa BSU na din ako bumaba.

ang pinagkaiba ko sa ibang kong kasama, may medal akong nakuha... pero lahat kami, masaya dahil natapos din yung 3 days na event. next year sa ASCOT daw (Aurora State College of Technology) baka hindi na ko magpunta, ang layo nun...
Previous post Next post
Up