Oo na, ginagawa ko na pong
deviantart ang LJ ko. Sue me.
***
Nagpagupit na ako. Naninibago ako sa bago kong buhok; masyado itong maikli (pero maayos namang tignan, imperness) at kinakailangan kong lagyan ito ng wax bawat umaga para magmukha akong disente. Medyo gusto ko siya, pero yun nga, nakakapanibago.
At isa na nga pala akong ganap na geek lord ngayon. Nakapasok ako sa Top 4 ng huling National Qualifiers Tournament ng Magic. Pasok na ako sa Nationals. YAHOO.
I win in life. (Na-realize ko lang na napaka-uncool na maglaro ng Magic. Kahit isa ka na sa pinakamagaling, wala ka pa ring screaming fan girls o kahit anong klase ng publicity na ikatutuwa ng lola mong nasa Batangas na ngumunguya ng nga-nga. Ang tanging fans mo lang ay mga overweight na balbas-saradong mga lalaki na may B.O. pa minsan. Hindi rin maiintindihan ng mga tao ang mga kwento mong malulupit na play kapag hindi sila naglalaro dahil malulunod sila sa jargon. At least gets kaagad nila kapag sinabi mong pinasa sa'yo ang bola at shinoot mo. Sad fact of life.)
Pupunta si Rashid