Jul 17, 2011 22:35
Takot akong mabigo. Oh sige, sanay na akong mabigo. Kaya sana ayoko nang maulit pa. Nakakapagod din kasi. Nakakainis nga ngayon eh. Gusto kong may gawing makabuluhan sa buhay ko kaso parang ayaw naman sa'kin ng gusto kong gawin.
Oo na, oo na. Yung The Flame nga. Badtrip. 'Di ko alam kung bakit 'di ako nakapasa. Pero palalampasin ko na. Gusto ko lang sanang malaman kung bakit hindi ako natanggap. Kahit yung interview man lang. Pakiramdam ko kasi ang bobo ko at hindi ako dapat sa pinasok kong propesyon.
Kaya takot ako sa mga audition. Dahil kahit na sabihin ng kung sino mang Ponsyo Pilato diyan na magaling ako sa ganito ganyan, kung 'di naman makakapasa, asan ang galing? Diba? Oo na, ako nang mahina. Pero inaalam ko lang yung ano ba talaga ang kaya ko nang hindi bumabase sa opinyon ng ibang tao.
Pero nagpapasalamat parin ako. Kasi, yung mga nangyayari sa'kin kaya kong tanggapin. Damdamin ng onti saglit, tapos okay na.
Kahit isang achievement lang. Kahit isa lang. Yung masasabi kong naging kapaki-pakinabang ako. Nakakayamot na rin kasi. Naiinip na ako. Ano ba ang silbi ko sa mundong 'to?
frustrations