Jul 30, 2013 23:36
Paborito kong sabihin ang mga katagang "Pa-cheeseburger ka naman!" kapag may dapat ipagbunying tagumpay ng kaibigan o kaya nama'y isang okasyon tulad ng kaarawan. Sa isang komersyal ko nakuha 'yun. Pero sa talambuhay ko ng pagsambit noon, wala pang sumeryoso sa udyok ko. Hanggang kanina lang, may napilit na akong magpa-cheeseburger.
Mahilig kasi ako sa cheeseburger. Lalo na 'yung sa Mcdo. Isa 'to sa madalas kong orderin kapag magma-Mcdo kami ng mga friends ko. Kakaiba kasi yung dating ng lasa nya, you'll want to eat more ang drama.
Medyo matagal-tagal na rin akong hindi nakakakain ng paborito ko. Purita kasi. Nasasayangan ako sa 39 pesos na puwede ko pang gamiting pamasahe pangluwas sa Maynila. Pero kanina, hindi ko na kinaya. Hinahanap-hanap na ng taste buds ko ang lasa ng Mcdo cheeseburger. Bago umuwi galing opisina, nagpa-cheeseburger ako sa sarili ko.
Pero may kakaiba sa kinain kong cheeseburger kanina. Iba 'yung lasa niya. Mas masarap, mas malinamnam. Di kaya dahil 'yung unang sahod ko 'yung panambili ko sa paborito kong cheeseburger? Baka. Teka, oo 'yun nga siguro. Wala na kasi sigurong hihigit pa sa sarap ng unang suweldo.
Oh, the simple joys.
Dati, ako 'yung naga-abang ng pasalubong sa tuwing uuwi si Mama galing trabaho. Ngayon, ako naman ang maguuwi ng pasalubong sa amin.
Dati, ako 'yung nanghihingi ng pera panglakwatsa. Ngayon, ako na nag-aabot kay Mama. Ang sarap magbalik. Ang sarap tumulong!
Nakks. Kung makapagsalita ako akala mo, ang laki na ng nakuha ko. May drugs ata 'yung cheeseburger ko.
Pero ang saya kasi. Mabibili ko na 'yung mga gusto kong bilhin. Puwede ko nang gawin kung anuman ang gusto kong gawin noon. Pero syempre, nagi-ingat ako sa pag-gastos ng kinikita ko. Oo, dati gastos lang ako ng gastos sa inaabot sa akin nila Mama. Hindi ko naman kasi pinaghirapan 'yun. (Ayun, umamin din. Ang bastos kong anak. Ipako na ako sa krus.) Pero ngayon, bawat piso na lalabas sa wallet ko, mahalaga na. Nakakaiyak na when you see them slip away from your hands!
Sa trabaho, wala paring tatalo sa passion when it comes to improving the craft na pinasok mo. Pero hindi natin maikakailang pati ang sahod, contributing factor na rin dito. Hindi siya ideal na motivation, pero ito na 'yung katotohanan. Kesa naman sa ngumanga diba?
Ika nga ng kapatid ko sa ibang magulang na si Janb, "Tiis-tiis din, yayaman din tayo."
Wala munang pa-libre ah? Pabuwelo muna.
reveries