Jul 23, 2006 13:34
kakatapos ko lang basahin ulit yung pag-uusap natin dati...
nakakatuwa.
masayang isipin na sa isang pagkakataon, kahit sa kaisaisang pagkakataon na yun,
nagtiwala k sakin.
nagpapasalamat ako sayo dahil doon.
kahit na, pagkatapos nun, hindi n tayo nagkikita, hindi n nagsasama.
kung magkita mn, ngiti at taas dalwang kilay na lng.
parang walang mabigat na pinagsamahan.parang hindi nakasama hlos bawat linggo.
masakit na ganun ang nangyri sating dalawa.sating lahat.
pero nang nabasa ko ang usapan nating iyon, napupuno ako ng kasiyahan..
kc, hindi ako mismo ang pumilit sayo na magsalita...ikaw mismo nun ang nagtiwala.
pero bakit dun lng natigil yun?
pagkatapos b nun, hindi k n ulit nagtiwala?
pinangarap ko na ako ang makapagbabalik ng tiwala mo sa ibang tao..
pero parang hindi nangyari. isa n nmang pagkatalo.
sabagay, dhil nga hindi na rin kita nakakasama,
bka tulad ko, nagbago k n rin..
pero malamang, tulad ko, may pagbabago n rin sayo...
pagbabagong wala akong alam. pagbabgong wala akong kinalaman.
may mga balita. pero di ko alam kung totoo.
sabagay...sabi nga ng isang dating kaibigan,
mas mahalaga ang pagkakakilala ko sayo sa panahong magkasama tayo
kaysa naman sa sabi-sabi lng, at bulung-bulungan.
kung uungkatin ang pagkakakilala ko sayo,
ikaw pa rin ang maituturing kong pinakamagaling sa larangang sabay nting pinagsanayan.
ikaw pa rin ang malihim kong kaibigan na nahihirapang magtiwala.
ikaw pa rin ang kaibigan at kasanay na ginagalang kong taas noo.
ikaw nga p rin ba yan?
baka nmn hindi na.
kapag nakikita naman kita, khit nagbago na sa pisikal..
hindi nmn ako makasiguro kung kilala p rin nga kita.
babalik ako dun sa kakabasa ko p lng.
maraming salamat kc nakilala kita.
at sa isang pagkakataong iyon, pinagkatiwalaan mo ako.
hindi n ako hihiling p ng sobra,
dahil wala n rin nmn akong mahihiling pa.
sana masaya k n.
nakikita kita madalas..pero natatakot akong batiin ka lagi.
masaya pagnkita kitang ngumiti.
masakit na pagkatapos nun, maghihiwalay na tayo ng landas,
walang kuwentuhan o kung ano mn,
wari'y walang nangyari.
yun nga rin cguro ang isa pa sa kailangan kong harapin dulot ng pagalis ko...
pero aus lng.
basta maging masaya k lng, khit hindi na tayo magkakilala kailan p mn,
sasaya n rin ako.
siguro..
darating ang panahon
magkikita tayo, wala nang kibuan, wala nang mga ngiti
at hindi ko na makikita ang dating kislap na laging nasa mga mata mo.
sa pagdating ng araw na yun,
alam kong mararamdaman ko ang kakulangan sa sarili ko, sa pagkatao ko.
sa panahong 'yon,
di na natin kakayanin magintel, kc wala na tayong alam.
di na rin ntin magagawang maging assuming, dahil wala na tayong maaassume.
dahil hindi na natin kilala ang isa't isa.
sana lng...kilala pa rin nati kung sino tayo.
at malaman na sa wakas, ang kabubuang ikaw. at ang kabuuang ako.
liham