Jun 27, 2006 21:22
May nakabalot sa gitna ng daan
pinulot ko, may konti pang laman
pero hindi puwedeng inumin.
hindi ka cgurado kaya uhaw ka parin
delekado pag di ka tiyak,
delekado pag di ka tancha,
delekado ang lunkot na dumadaloy
na lunkot sa ugat mo na pagod na pagod na.
kinakausap ang sarili...
Ano ba talaga ang ngyari?
Ano ba talaga? Ano ba?
Pero walang sumasagot, walang sumasagot
sa tahimik na gabi kundi ang basag na bote...
Kaya, lakad ka lang ng lakad..
lakad ka lang ng lakad...
cge lang, cge lang...
sindi ng yosi
relax muna ang kokote
habang may hawak hawak
na basag na bote.
Alam mong masamang malasing
alam mong masamang managinip
ayaw mo nang magising
pero wala, nilalamon ka lang ng wala
Wala ka ng pera
Wala kang dala
Wala kang pinanggalingan
Wala kang pupuntahan
wala kang kakampi,
kundi ang basag na bote...
Makikita ang sarili
na hangat sa balat
Susugat sa isip
susundan ka ng sarili mong anino
At ngayon tatanongin mo ang sarili mo...
Iinom ka ba sa basag na bote...?
may alaalang kailangan takbohan..
may alaalang naiipit sa lalamunan..
sa dulo ng pagasa, at sa dulo ng patalim
basag basag na bote...
Isang daang libong pirasong,
dahan dahang humihiwa,
dahan dahang bumabaon,
dahan dahang tumatahimik ang buhay
sa maingay na panahon.
Bigla akong napa pikit...
Bigla akong nahimbing...
bigla akong nakakita,
Makapal na usok
maraming maraming kulay
At biglang may nag pakita...
anghel na may sungay.
Sabi niya sakin,
kahit ano raw puwede niyang ibigay
kahit ano raw puwede niyang ibili
Pero sabi niya, Sumama ka muna sakin....
iyan at ating narinig
di' dahil ano...
Upang matugunan ng sarili..
subukin nating hamunin.
May tama ka o mali eh...
May tama ka o mali yeh sa nag bukas mulang
buksan mo na...
kaya ngayon eto nagyari sakin...
nabulag ako sa ganda niya,
hawak ko ang kamay niya
habang naglalakad kami
sa umuusok na kalsada.
sa gitna ng lugar
na hindi ko na alam kung saan..
Pero salamat...
Salamat meron nakong kasama..
Salamat meron nakong kasama..
Salamat meron nakong kasama..
Maraming maraming salamat sa basag na bote....
Salamat sa basag na bote...
Salalmat...