Sinag

Oct 25, 2005 09:14


Sa isang bundok, may nakatirang manika.

Nakalitaw sa ulap ang kanyang mga balikat

At siya'y namumuhay sa sinag na araw, ihip ng hangin

At kung san man may hustisya.

Winawasak at dinudurog niya ang mga ito

Para lalo niyang mapatigas ang dyamanteng tinatawag niyang puso.

Sa lahat ng kamatayang dinadala niya

Dulot ng pag piga, pag punit at pag apak niya

Sa umaasang BANDILA.

Pag-ibig kung tawagin at parusa ng impyerno sa iba,

Siya'y natutuwa at nagagalak sa paliligo ng dugo ngg kanyang mga kapwa.

Naway suriin mo o manika ang dahas

Na inihahatol mo sa kaluluwa ng

Mga Mandirigma ng Maykapal at mga Sundalo sa Puso



Previous post Next post
Up