Nov 21, 2007 22:17
yes, i'm useless today.. my "mind" is not with me the whole day, i really, madly, badly want to go home while im still in our ASN 207 class, I'm not in the mood to listen to our prof and i can't even answer a simple, goddamn question "what is politics?". , i keep falling asleep while waiting for our dismissal, i kept telling gela that i really want to go home and i remember that i kept saying a word that is not appropriate to say.. hahaha
while waiting for my FREEDOM, i wrote a short story, if that's what i should call it, about my "world".. world of abnormalities.. hahaha
[EDITED]
Sa antok ko, nakalipad na ako sa ibang deminsyon, sa ibang mundo, sa ibang kalawakan. Malaya mang nakakalipad ang diwa ko kung saan-saan, nandito pa din ang buo akong katawan, nakakulong sa apat na sulok ng kwartong ito. Gusto kong mahanap ang binhi ng katahimikan, ang binhi kung saan mahahanap ko ang matagal ko ng inaasamasam na kalayaan, kung saan makikilala ko na ang totoong ako.
Malayo na ang narating ng diwa ko, nakaabot na sa kaduluduluhan ng mga pangarap ko. Ang mundong ginagalawan ko ay taliwas sa mundong ninanais ko, malayong-malayo. Sa mundo ko ako ang namumuno, ako ang nasusunod, ako ang lahat.
Malayang-malaya ako sa mundo kong ito. Abot langit ang tayog ng mga pangarap ko, mga pangarap na kahit na sa panaginip ay hindi matutupad, mga pangarap na sa sobrang dami kahit isa walang matupad. Pangarap kong lumipad sa mundo ng mga panaginip, ninanais kong marating ito at balak ng hindi na bumalik pa kung saan ako nagmula. Marahil doon, hindi ko na kailangang matikman ang pait ng realidad ng buhay, hindi ko na mararanasan pa ang iba't-ibang sakit na dulot ng kamalian ko sa buhay, at hindi na madadama ng mga taobng nakapaligid sa akin ang sakit na idinulot ko sa kanila.
Nais ko ng lumaya..
Sana maguwian na kami... :D